Advertisers

Advertisers

MALTRATO SA NARS

0 223

Advertisers

MASAHOL sa maltrato ang gawain sa mga nars na Pinoy na nanatili sa bansa. Masyadong mataas ang bilang ng mga pasyente na bawat nars na nasa pribado at pampublikong ospital sa buong bansa. Kung si Rep. Florida Robes, hepe ng House committee on good government and public accountability, ang tatanungin, labis na nakakabahala ang mataas na nurse-to-patient ratio sa bansa. Hindi tama ang labis na gawain sa kanila dahil karampot ang kanilang suweldo.

Ayon sa mambabatas mula sa San Jose del Monte City, itinakda ng Department of Health (DOH) sa 1:12 ang nurse-to-patient ratio, ngunit hindi ito nangyayari. Sa pag-aaral ng UP-Philippine General Hospital (PGH) noong 2020, ang standard nurse-to-patient ratio umano sa general ward ay 1:20. “In some hospitals, one nurse attends to 20 to 50 patients per shift. Hindi ito dapat ipagwalang bahala dahil ayon sa datos na aking nakalap safe nurse staffing saves lives. Bakit?” sabi ni Robes sa isang privilege speech.

“’One is to ward’ – ito ang kalagayan ng nurse-to-patient ratio. Hindi na po ito biro. With this staffing ratio, is our healthcare system still safe?” dagdag ni Robes. Ayon sa kanya, bagama’t ang Filipinas ang isa sa pinakamalaking producer ng nars sa mundo, nakalulungkot isipin na may matinding kakulangan ng nars sa bansa. “Kung tuloy-tuloy ito, mayroon bang sapat na bilang na nars upang magsilbi sa sambayanang Filipino? Overseas migration was not the only factor affecting deficient supply of nurses in the Philippines. The lack of stable jobs and dismal wages also plays a huge factor,” aniya.



Sa papel, ayon kay Robes, ang entry-level nurse sa pampublikong ospital at Salary Grade 15 o P33,575 kada buwan “pero sa realidad, they only earn around P22,000 per month with no benefits such as statutorily-mandated hazard pay. Ito ba ang sweldo na nakabubuhay ng isang pamillya?” Malayo ito sa suweldong $96,000 kada taon sa Luxembourg, $87,436 sa Denmark, $73,000 sa Australia, $66,594 sa Switzerland at $50,168 sa Canada.

Nanawagan si Robes sa kaniyang mga kasamahan sa Kongreso na dinggin ang mga hinaing ng mga nurse sa bansa upang hindi umalis ang mga ito. “Let us create a positive practice environment for them that would encourage them to stay in our country and use their world-class talents and skills to serve our people. Let us stop the brain drain of quality Filipino nurses by providing them decent work and improving their pay,” ani ni Robes.

Sa pagdami umano ng mga nurse na nagtatrabaho sa bansa ay mababawasan ang medication error, bababa ang mortality rate ng mga pasyente, tataas ang maaaring tanggaping pasyente ng ospital at maiiwasan ang nurse fatigue.

***

HINDI kami natuwa sa order ni Sara Duterte-Carpio na ipagbawal ang mga pagpapaskel sa mga dingding ng silid-aralan. Hindi dapat alisin ang mga learning aid na totoong nakakatulong sa mga mag-aaral. Ang dapat alisin ay ang larawan niya na inilagay ng mga guro na walang malinaw na gabay. Hindi learning aid ang kanyang larawan kahit sa guni-guni. Hindi nakakatulong sa pag-aaral ang kanyang larawan – kahit katiting.



Hindi dapat alisin ang mga learning aid sa mga silid-aralan. Hindi dapat magmukhang selda o piitan ang mga silid-aralan at hindi dapat alisin ang mga paalaala tulad ng “honesty is the best policy” o “cleanliness is next to Godliness.” Sabi ng isang kaibigang mamamahayag, “alisin ang letrato ni Sara dahil wala siyang silbi sa Deped,”

***

TATLONG akademiko at isang opisyal ng Sandatahang Lakas ng bansa ang mga bisita sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant. Mga panauhin sa forum sina Prof. Renato de Castro ng De La Salle University (DLSU), Atty. Jay Batongbacal ng UP, at Richard Heydarian, isang kolumnista. Panauhin rin si Col. Medel Aguilar na bilang spokesman ikinuwento ang detalye ng ginawang atake ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard.

Nagkasundo ang mga panauhin na ang Tsina ang pinakamalaki at pinakamatinding panganib sa ating pambansang seguridad. Hindi titigil ang Tsina hanggang hindi nakuha ang West Philippine Sea at ang yamang dagat na dapat tayo ang makinabang. Maiging ayusin an gating doktrina sa pambansang seguridad.

***

May sinabing maganda si Sen. Risa Hontiveros tungkol sa kahalagahan ng note verbale, o mga kalatas na ipinadadala ng DFA sa ibang bansa tulad ng Tsinan a kinakamkan ang ating mga isla.

Notes verbale are very important because they make of record, they put in black and white, they make official our country’s protest pero ano pa ang pwedeng gawin ng ating gobyerno? This is precisely why, kung hindi man prophetic, very very timely yung unanimous resolution na inadopt namin sa Senado. Urging government through the DFA and in effect supporting them to take any and all more assertive actions politically and diplomatically kasama na isang posibilidad, resolusyon ng Philippine government sa UN General Assembly at marami pang iba we in. fact shortlisted a few of the more assertive diplomatic and political actions they could take in various forms, resolusyon man yan in various international fora, sa UN man iyan o sa iba pa at sinundan ko pa yan ng isang paalala na last year I filed a resolution calling for an investigation on many reclamation projects dozens of which ay mukhang isang Chinese state-owned company ang nagsasagawa starting with unacceptable actions within the Philippines EEZ in the West Philippine Sea.

So economically din pwedeng iparamdam ng Pilipinas yung displeasure natin at yung pagkondena natin sa mga ganitong illegal actions. It wouldn’t even be the first time because previously former finance secretary Dominguez already suspended loan processes with this one particular Chinese state-owned company, the CCCC, tinigil niya yung loan processes for certain important infrastructure projects to include the Davao-Digos Rail segment, the Calamba-Matnog Longhaul Rail and Subic-Clark rail, Nakakagulat na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon a loan negotiations have resumed pero nasa interes natin, ng Pilipinas idecline ang ano pa mang dagdag na CCCC.

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Hindi ipinanganak ang Filipino para magtiis.” – Gerry Fabella, netizen

“Nothing unusual for that thieving syndicate from Davao. Duterte was still the best Philippine president that China ever had!” – Russell “Boy” Ablaza, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com