Advertisers

Advertisers

PNP MEMO CIRCULAR 37, IBASURA NA AT, MABUHAY ANG PTFoMS!

0 359

Advertisers

ANO po ang nangyayari sa ating high ranking police officer, Sir PNP chief, Director General Benjamin Acorda Jr. – bakit lagi na lang silang nasasangkot sa akusasyong pag-abuso sa tungkulin?

Kamakailan, siyam na anti-drugs operatives ng Imus City ang ini-relieve sa posisyon dahil sa kasong pagtatanim ng ilegal na droga, illegal arrest, pagnanakaw at pagsasampa ng gawa-gawang kaso sa isang retiradong propesora.

Notorious ang ilang tiwaling pulis Caloocan City sa pagpatay sa mga kabataan adik kuno na salamat ang mga korap ay nahatulan na ng pagkakulong at pagkasibak sa serbisyo.



Nito lang nakaraang linggo, sa Navotas City, isang tin-edyer ay pinatay nang inakalang ito ang suspek na kriminal na hinahabol ng mga pulis.

Dahil sa mga trigger-happy, walang disiplina at astang maton at nakaunipormeng kriminal sa PNP, nadadamay ang napakaraming matitinong pulis!

Example ang ginawa ng maangas na hepe ng Iriga City police na nagpakita ng tapang sa pag-aresto sa beteranong mamamahayag , ating kapatid na Jose Rizal ‘Jorez’ Pajarez, dzRH radio correspondent sa kasalanang pagbuklat ng police blotter – na isang public document!

Salamat po sa mabilis na pag-aksiyon ni Usec. Paul Gutierrez, executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) para masiguro ang seguridad ni kapatid Jorez na dumanas ng takot at kahihiyan sa pagkakulong ng tatlong araw sa piitan.

Kasama ng PTFoMS ang National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ang Bicol Press Club, kinondena ng ating masipag na Usec. Gutierrez ang agresibo at marahas na aksiyon laban kay Jorez kasi raw e nag-violate sa Data Privacy act of 2012, kasi raw, ayon sa protocol, kailangan pa ng permiso ni Iriga chief of police P/Lt. Col. Ralph Jason Oida bago mabuklat ang police blotter.



Nakalaya lang si Jorez matapos magpiyansa noong Agosto 4, pero ang mapait na karanasan sa kamay ni Oida ay naisapubliko lang nitong Agosto 9.

Ito naman si Bicol Regional Police Office (PRO-5) Director BGen. Wesrimundo Obinque e pinanigan si Oida kasi sinunod lang nito ang iniuutos ng Memorandum Circular 37, series of 2020 of the Philippine National Police.

Na kahit totoong public document ang police blotter ito ay ‘confidential,’ pero Sir BGen. Obinque, sabi po ni Usec. Gutierrez, ayon sa Section 4d ng Data Privacy Law, hindi confidential ang nilalaman ng police blotter kung ito ay ginagawang source ng impormasyon ng mga mamamahayag o ng mga artist at researcher sa layuning maisapublko sa paraan ng pagbabalita, dokumentasyon o bahagi ng isang research project.

Sir Gen. Acorda, pwede po ba, pakibura na ang Memo Circular 37 na ito, kasi ito ay lumalabag din sa freedom of the press na ginagarantiyahang karapatan ng mga mamamahayag, ayon sa ating 1987 Constitution.

At alam nyo ba, sabi ni Usec. Gutierrez, itong circular na ito na sinasabi ni BG Abinque ay hindi nakasaad sa PNP circular, at kung hindi nga kasama sa circular ng PNP, e sino ang nagpalabas nito at nagpatibay.

Interior Sec. Benjamin Abalos Jr. sana po ay malinawan namin sa media ang pagkalikha ng Memo Circulat 37 na kontrang-kontra sa batas natin na nagsasabi, “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press xxx” ( Article III, Section II, 1987 Philippine Constitution).

Sabi nga ng ating masipag na Usec. Gutierrez hanggang di binubura ang Memo Circular 37 na ‘yan, di mawawala ang tensiyon sa pulisya at media dahil igigiit namin na ang karapatang mabuklat ang police blotter – na isang public document – na ipaglalaban naman ng mga tulad ni Oida na ‘confidential’ daw at di namin pwedeng makita at mabasa ang nilalaman nang walang go signal ng hepe ng police station.

Ang alam natin, ang PNP ay tagapagtanggol ng Constitution at itong Memo Circular 37 ay maliwanag, ayon kay PTFoMS Exec. Director Gutierrez ay wala sa protocol o tuntunin ng PNP.

Salamat naman at agad na dinesisyonan ni Camarines Sur police director, Col. Julius Caesar Domingo na alisin muna sa puwesto si Oida – sa utos ni BGen. Obinque – habang iniimbestigahan ang kaso.

Nagpasalamat si Usec. Paul Gutierrez sa aksiyon nina BGEn. Obinque at Col. Domingo para kahit paano ay mawala ang tensiyon sa pagitan ng pulisya at media sa CamSur.

Sabi niya, isang welcome move iyon na mag-aalis sa gusot sa relasyon ng pulis ng Bicol at ng lokal na mamamahayag.
***
Ups, teka ito palang si Oida, ayon sa isang news report noong Agosto 2, 2008 ng ABS-CBN ay inaresto ng kapwa pulis sa kasong pagpatay sa kanyang superior officer, si police Major Wilson Perez, noon ay hepe ng bayan ng Labo, Camarines Sur.

Ayon sa report, itong si Oida, noon ay tinyente, ay binaril si Perez nang mag-away sila ni Perez habang nag-iinuman sa isang restoran sa Daet, Camarines Norte.

Ganun po at kung paano na si Oida ay nakaligtas sa kasong pagpatay sa kanyang superior na si Perez, kailangang mabuklat ito sa rekord ng National Police Commission, tama po ba, Sec. Abalos, Sir?

Seryoso ang kasong pagpatay sa kapwa pulis dahil sa away sa inuman, tama po ba, DG Acorda, Sir?

Maraming pulis ang hindi na nakabalik sa serbisyo dahil sa kasalanang absence without official leave (AWOL), pero ang nakapatay sa kapwa pulis na mataas ang ranggo sa away sa inuman, aba, seryosong krimen ito at sa disiplinang ipinatutupad ng PNP.

Masarap busisiin ito sa imbestigasyong gagawin ng PNP kay Oida, at ito po ay ating aabangan, samantala, salamat po sa mabilis na aksyon ng ating PTFoMS chief, Usec. Gutierrez para matulungan si kapatid Jorez.

Mabuhay po ang PTFoMS.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.