Advertisers
Natutuwa si Ka Berong sa balitang retro game ng Meralco kontra San Miguel sa parating na season ng PBA.
Dapat daw noon pa naisip ito nina Kume Willie Marcial at kanyang mga staff.
Sobrang nostalgic ito dahil ang dalawang prangkisa lang ang tanging mga bahagi rin ng MICAA, ang pangunahing liga noon bago pumasok sa eksena ang PBA. Nguni’t hindi ito Bolts laban sa Beermen Reddy Kilowatts ang magkukuryente at Braves naman ang magseserbesa noong late 60s hanggang early 70s.
Ang Reddy Kilowatts ay hango sa nilikha taong 1926 ng advertising executive na si Asthor Collins para sa Alabama Power Company. Naging simbolo ang malakidlat at bombilyang mascot ng mga bagay na may kinalalaman sa electricity sa Estados Unidos gayon din sa ibang bansa.
Ang Braves naman ay ginagamit noon pa ng Atlanta na pangalan ng kanilang baseball squad. Malamang dito nagmula ang sa Andres Soriano na athletic club na alyas.
Ang Meralco pinangunahan nina Robert Jaworski at Big Boy Reynoso samantalang sa SMC sina Manny Paner at Yoyong Martirez ang mga bida. Nagkampeon ang koponan ng Reddy Kilowatts sa commercial league noong 1972 nang daigin nila ang Crispa Redmanizers.
Sina Jimmy Mariano, Alfonso Marquez, Orly Bauzon, Ramon Lucindo, Fort Acuña, Jumbo Salvador, Larry Mumar, Fernando Paseos at Arthur Herrera ang iba pang player ng team na ang coach ay si Bay Mumar. Import nila sina Bob Presley at Charles Greenfield. Nasa ilalim pa ang kumpanya sa mga Lopez na may-ari rin ng ABS-CBN.
“Kaya minsan espesyal na bisita ang team sa isang episode ng Super Laff-in sa Channel 2,” kwento ni Kaka.
Ang Braves naman bagama’t hindi ganoon kalakas ang line-up pero mga crowd favorite dahil sa istilo nila ng paglalaro.
Bukod kina Paner at Martirez ay paborito rin ng mga manonood sina Dave Regullano, Estoy Estrada, Alejandrino Miego, Rudolf Belmonte at Rolly Marcelo. Mentor nila si Ning Ramos.
“Pinaka-exciting na backcourt tandem sina Miego at Martirez dahilom sa bilis nila sumundot ng bola sa kalaban,” dagdag ni Berong.
Maigi at dating jersey din suot ng dalawang grupo at malamang sa Rizal Memorial Coliseum gaganapin ang game.
Ililibre raw ni Kaka ang barkada para personal na saksihan ang laban sa RMC.
***
Nakakalaro na ang panganay ni LeBron James ayon sa mga ulat.
Opo, si Bronny na nagka-cardiac arrest kamakailan ay playing na muli…ng piano. Pagalling muna maiigi bago humawak ulit ng bola.
***
Huling World Cup at Asian Games na ito nina JuneMar Fajardo at Japeth Aguilar.
Ang dalawang big men ay mag-reretire na sa Gilas Pilipinas sa susunod dahil sa edad.
Si Japeth ay 36 habang si JuneMar ay 33 kaya sa susunod ay mag-gigiveway na sila sa mga mas bata.
Mabuhay kayo sa pagkatawan sa bansa.
Panahon na para mag-take over sina Kai Sotto at AJ Edu.