Advertisers
ARESTADO ang isang katiwala sa tindahan nang ireklamo ng may-ari nito ng pagnanakaw.
Kinilala ng Navotas PPolice ang suspek na si Jeanette Salazar, 51 anyos, ng Barangay Tangos South, Navotas City.
Sa ulat, inireklamo ang suspek ni Naomi Jemera, 28, may-ari ng tindahan, ng M. Naval St., San Roque ng lungsod, nang maaktuhan ang pagnanakaw nito.
Sa imbestigasyon, 7:25 gabi ng Lunes, nang mangyari ang pagnanakaw ng katiwala sa 1462B M.Naval St., Tangos North.
Nakuha sa posesyon ng katiwala ang 7 pakete ng 250 gms sweet ham, 4 pakete ng 220 gms. Tocino, 2 pakete ng 450 gms pork tocino, 2 pakete ng beef tapa 220 gms, 1 pakete ng 1kg. Hungarian sausage with cheese, 1 pakete ng 500 gms. BBQ ribs, 5.5 gallon ng 21L black sterile na ginamit na basurahan na pinaglagyan ng mga produkto na kinuha ng biktima.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Article 310 ng RPC, Qualified Theft. (Beth Samson)