Advertisers

Advertisers

CONFIDENTIAL FUND

0 223

Advertisers

Ipinagtanggol ng Department of Agriculture ang pagkakaroon nila ng ng P50 milyon na confidential funds.

Sa pagdinig ng budget ng ahensiya sa Kamara ay kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang nasabing confidential funds.

Paglilinaw ni DA Inspectorate and Enforcement James Layug, na gagamitin ang nasabing confidential funds sa kanilang kampanya laban sa agricultural smuggling.



Sa nasabing halaga aniya ay makakatulong ito para tuluyang masugpo ang pagdami ng mga iligal na pag-angkat ng nasabing agricultural products.

Salungat ito sa panawagan ng mga kritiko ng administrasyong Marcos Jr. na lantarang nagpapahayag ng malaking pagkadismaya sa kalidad o uri ng pamamalakad ni PBBM ng bansa.

Si Pangulong Marcos pa rin ang tumatayong interim secretary ng DA ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng smuggling sa bansa partikular sa mga Agri products kung saan itinuturong isa sa mga untouchable smugglers ay kasosyo ng kapatid ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Speaking of the First Lady,inaakusa han din ito ng oposisyon ng nagpe- preside ng cabinet meetings sa halip na si PBBM.

Sa mga pagpupulong ng gabinete na si FL Liza ang namumuno,mahigpit umano nitong pinagbabawalan ang ano mang camera sa venue upang di madokumento o makunan ng larawan ang isinagawang pagpupulong na binansagang highly irregular at illegal.



Samantala maugong ang usap- usapan sa planong coup laban sa administrasyong Marcos Jr. partikular na sa sektor ng kasundaluhan na may ilang panahon na rin umanong demoralisado dahil sa pakikialam sa pagmando ng gobyerno ng malalapit na kamag- anak at kaibigan ng mga Marcoses.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com