Advertisers
WALANG katigil-tigil sa panggugulo ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Kamakailan lamang ay muling nagpasabog ito ng ipinagbabawal na pag-gamit na anti-personnel landmine sa Masbate, na ang tatlong biktima ay kinabibilangan pa ng isang Barangay Captain.
Wala talaga silang pakundangan sa buhay ng kapwa nila at lalo na sa karapatang pangtao ng bawat Filipino, kaya maging ang ibang bansa ay tinagurian na rin silang Numero Uno sa paglabag ng International Human Law (IHL).
Paanong di magiging Number 1 ‘violator’ ng IHL ang CPP-NPA-NDF, matapos pasabugan ang mga biktimang sina Barangay Captain Democrito Rivera at mga dating rebelde na sina Romnick Lumabab at Alex Balayan, pawang mga residente ng Barangay Bonifacio sa Uson, Masbate, ay pinagbabaril pa ang mga ito.
Kaya maging si National Security Council (NSC) Secretary Eduardo Año ay nairita na sa mga masamang gawaing ito ng mga komunistang-terorista, at nagsabing ang No. 1 violator ng International Human Law na ‘terror group’ na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front ay dapat wakasan na.
Maliit na puwersa na lamang kung tutuusin at maituturing ni Año ang mga ito. Kaya puspusan na rin ang paghahabol ng ating mga militar at sundalo sa kanila, upang sa pagtaya ng AFP ay aabutin na lamang ng pagtatapos ng taon na ito, ay matatapos na rin ang panggugulo ng CPP-NPA-NDF.
“The CPP-NPA-NDF is the number one violator of the IHL in our country. Committing crimes against IHL such as civilian executions, assassinations, ambuscades, bombings, use of anti-personnel landmines, among others, that has resulted not only the deaths of government forces but civilians must end,” ang pahayag ni Año.
Gaya ni Año, si NSC Assistant Director General Jonathan Malaya ay kinundina ang ginawa ng CPP-NPA-NDF at sinabing ang huling pag-atakeng ito ng mga natitirang miyembro ng NPA ay pagpapatunay kaya sila nabansagang pang-15 pinaka-matinding grupo ng terorista sa mundo, base sa 2023 Global Terrorism Index.
Nangyari ang pagpapasabog habang ginugunita ng buong mundo ang IHL.
Kung ako ang tatanungin, bakit pa maghahain ng amnesty ang pamahalaan sa mga pesteng NPA na mga to? Gayong wala namang magandang magawa ang ito. Mas mabuting pulbusin na sila ng ating mga sundalo at ang matira ay ikulong na lang, sa dami ng atraso nila sa bayan.