Advertisers

Advertisers

MAYOR ABBY NASISI SA PAGKAWALA NG EMBO SA MAKATI?

0 5,216

Advertisers

Sa pagdudumaling maangkin ang pinag-aagawang 729 ektaryang lupain ay tila si MAKATI CITY MAYOR ABBY BINAY ang masisisi ngayon ng ilan niyang mga kapanalig dahil lalong napabilis ang naging pagpapasiya ng SUPREME COURT na ang pinag-aagawang lugar ay pag-aari ng TAGUIG CITY base sa mga datos at dokumento sa pagiging lehitimo sa pagmamay-ari ng lugar.

Sa komento ng ilang mga MAKATI RESIDENTS ay hindi na sana iniakyat pa ng MAKATI CITY GOVERNMENT ang usapin sa SUPREME COURT upang sa gayon ay na-freeze na lamang ang usaping legal.., na posibleng hanggang ngayon dapat ay nasa kanila pa rin marahil ang EMBO BARANGAYS at ang pinag-aagawang BONIFACIO GLOBAL CITY (BGC) ay mananatili na lang sa TAGUIG CITY

Ito rin ang pananaw ng ibang mga nasa LEGAL PROFESSION tulad ni ATTY. DARWIN CANETE, PROSECUTOR at kilalang BLOGGER,.., sa kanyang Facebook post iginiit ni CANETE na sa kagustuhang makuha ng BINAY FAMILY ang BGC ng TAGUIG sa pamamagitan ng mga korte ay naging mapait ang desisyon dahil hindi lamang ang 240 EKTARYA na MILITARY RESERVATION ng FORT BONIFACIO kung saan naroon ang BGC ang nakuha ng TAGUIG kundi maging ang ENLISTED MEN BARRIO (EMBO) na kinabibilangan ng PEMBO, COMEMBO, CEMBO, SOUTH CEMBO, WEST REMBO, EAST REMBO, PITOGO, RIZAL, POST PROPER NORTHSIDE at POST PROPER SOUTHSIDE.., na ang kabuuan ay nasa 729-ektarya.



Mga ka-ARYA.., kung babalikan natin ang istorya ay pinag-interesan ng MAKATI CITY ang BGC dahil nasa hurisdiksiyon daw ng kanilang lungsod.., na noong mga panahong iyon ay alam naman ng sambayanan ang POLITICAL POWER ng BINAY FAMILY;
kaya naman noong 1993 ay naghain ng petisyon ang lokal na pamahalaan ng TAGUIG sa PASIG CITY REGIONAL TRIAL–ang CIVIL CASE No. Case No. 63896 na “JUDICIAL CONFIRMATION OF THE TERRITORY AND BOUNDARY LIMITS OF (TAGUIG) and DECLARATION OF THE UNCONSTITUTIONALITY AND NULLITY OF CERTAIN PROVISIONS OF PRESIDENTIAL PROCLAMATIONS 2475 AND 518,
with PRAYER FOR WRIT OF PRELIMINARY INJUNCTION AND TEMPORARY RESTRAINING ORDER”.

Noong 2011 ay nanalo ang TAGUIG sa RTC.., na tila pakita lamang ito ng TAGUIG sa MAKATI na huwag mo nang angkinin ang BGC, subalit hindi natigil ang MAKATi at inakyat ang apela sa COURT OF APPEALS at noong 2013 ay nanalo naman ang MAKATI.

Sa puntong iyan ay nagsimula ang “WORD WAR” sa pagitan ng dalawang malaking lungsod at hindi rin nagpatalo ang kanilang mga supporters.., na ang dating maliit lamang na kaso ay lumaki.

Dahil diyan ay lalong nagpakita ng interes ang MAKATI sa BGC dahil na rin sa lalo itong umunlad, ito ang syang SOURCE OF INCOME ng TAGUIG dahil narito ang mga malalaking multinational companies.

Kung ating matatandaan.., kasunud ng dCOURT OF APPEALS DECISION, si FORMER MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY ay naging marahas sa pagsasabing itatakeover na nito ang BGC. Sa kasagsagan ng mainitang usapin sa takeover ay NAGSURPRISE VISIT pa noon si MQYOR JUNJUN sa TAGUIG CITY HALL at nag-alok ng income sharing deal para sa FORT BONIFACIO.



Sa pangyayaring iyon ay hindi nagustuhan noon ni MAYOR LANI CAYETANO ang pagpapakita ng pwersa ni Mayor JUNJUN at sinabihang maging resposable ito sa kanyang mga statements lalo at hindi pa pinal ang desisyon at hindi pa umaakyat ang usapin sa SUPREME COURT.

Naghain ng apela ang TAGUIG sa desisyon ng APPELLATE COURT at ang maagang pagdiriwang ng MAKATI CITY ay naunsyami nang kalaunan ay napatunayang GUILTY sa FORUM SHOPPING ang MAKATI CITY.., yun nga lang e hindi pa rin tumigil ang MAKATI CITY.

Bunga niyon ay inakyat muli ng MAKATI ang territorial dispute sa SC at hindi na bago sa lahat na noong nakaraang taon ay itinakda ng KORTE SUPREMA ang FINAL AND EX CUTORY DWCISION sa dispute.., panalo ang TAGUIG.

Ang ginagawang hakbang ng TAGUIG na pagtake over ngayon sa EMBO BARANGAYS ay alinsunud lamang sa utos ng SC, sila ang nanalo makalipas ang 30 taon kaya nararapat lamang na umaksyon ito bilang winning party.

Kung dati ay “ASSERTIVE” ang MAKATI na itatakeover ang BGC marahil dapat lamang din na sila ay magbigay daan ngayon dahil ang TAGUIG ang LEGAL na dapat mangasiwa sa EMBO BARANGAYS at sa BGC.

Hindi natin dapat tingnan na nagpupumilit ang TAGUIG sa pag-angkin sa EMBO BARANGAYS bagkus dapat pang tulungan upang maisakatuparan ito ng maayos.

Sa kasalukuyan, mismong mga ahensiya ng gobyero tulad ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG), DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM), PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP), DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ay sumusunod na sa desisyon ng SC at inililipat na ang kanilang mga operasyon mula MAKATI papuntang TAGUIG…, gayundin ang COMMISSION ON ELECTIONS na naghahanda na a paglipat ng mga botante mula MAKATI tungo sa TAGUIG sa nalalapit na BARANGAY at SK ELECTIONS.

Tanging magagawa ngayon ni MAYOR ABBY BINAY ay ang magpakumbaba at igalang ang naging SC DECISION!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.