Advertisers

Advertisers

pro boxer Eumir Marcial, todo-ensayo na para sa kanyang Olympic golden dream

0 158

Advertisers

MULING popokus sa kanyang pagtupad ng pangarap na ginto si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial ng Pilipinas.

Ito’y matapos ng makansela na ang kanyang nakatakdang professional fight ngayong buwan ng Agosto.

“Eumir will be coming home from US as soon as possible to join the national boxing team and work on his Australian visa”, wika ni Philippine Olympic Committee ( POC) Rep.Abraham ‘ Bambol Tolentino.



Tinutukoy ng kasalukuyang Tagaytay City Mayor ang training camp ng national boxers sa Canberra sa Setyembre 1,2023 bilang paghahanda ni Marcial sa lalahukang Paris Olympics 2024 kung papalarin sa Hangzhou Asian Games na qualifying para sa quadrennial event na Olimpiyada.

“It’s now or never”,sambit ng 27 anyos na pride ng Zamboanga City na si Marcial – di pa natatalo sa kanyang apat na professional fights. (Danny Simon)