Advertisers

Advertisers

Gela trip ipakilala ang sayaw sa pelikula kaya nag-showbiz

0 136

Advertisers

Ni BOY ROMERO

JOIN na si Gela Attarde sa showbiz. Ni-launch na rin siya as a Star Magic talent and just recently ay binigyan siya ng welcome press conference. Bunsod ito ng pagkakapanalo niya at ng kinabibilangang Legit Status Dance Group na nag-champion sa World Hip Hop Dance competition na ginawa sa Arizona Grand Resort and Spa sa Phoenix, US of A nung July 30 to August 6.
Ayon sa dalaga, kaya siya pumasok sa showbiz ay gusto niyang i-introduce ang dance sa pelikula. Gusto niya raw makagawa ng isang pelikula o teleserye na tungkol sa sayaw or anything related sa dance.
Sa pagpasok niya sa showbiz, aminado ang 21-anyos at La Salle Communication Arts student na hindi maiwasang mai-compare siya sa kapatid na si Arjo at inang si Sylvia Sanchez at marami nang napatunyan ang mga ito.
“I think there will be circumstances that I will be compared and I’m not afraid/ I will deliver. I want to think that I’m lucky that I have dance that set me apart from my siblings and mom. I don’t have nothing to prove,” pahayag pa ni Gela,
Ano’ng payo ang ibinigay ng mom niya at agad ba itong pumayag sa pag-enter ninya sa showbiz?
“She is one of the people na really supported me all way through and if anything she’s… Siya po ‘yung isang taong nagsabi sa akin na… she just kept telling me na ‘kaya mo ‘yan nak’ and I think for me it’s just simple like ‘kaya mo ‘yan nak’ parang it went a long way kasi my God i’m emotional. “My mom has a certain way of motivating me and my siblings and my dad too. My dad is a man of few words so pag magsalita sila it’s like ‘okay I’m gonna do it’ but the advice my mom gave me I guess was…the best advice from her is was ‘puso’. That was she always remind me of. “She always told me na gamitin mo ang puso mo in everything that I do. And if I use my heart I will succeed.”
“Right now po she recently… she’s been telling me po that I’m doing well and like what she said kanina, she said na for someone that’s new need po ako kasi magagaling po talaga mga kasama kong batch like my generation and series sina Elijah Canlas, JK, Xyriel, Zaijian, Blythe like they’re also good so hindi po talaga ako puwedeng magpaiwan and with the help of my mom, I’m able to I think keep up naman po.”
Pero wala bang pressure kasi your mom and your brother parehong award winning actor?
“Yes, it’s a lot of pressure. My mom nga po she jokes me. She says ‘kapag ‘di ka magaling umarte, bubugbugin kita,” pagtatapos in Gela.
***
NO doubt about it, si Angeline Quinto is the Diva Power. Hawak niya ang trono. Kami mismo ay saksi kung paano niya ginulantang ang management ng Clowns Republik dahil sa dinagsa ng mga tao ang kanyang “One Night Only“ concert.
Sobra sa dami ang mga nanood at kailangan nang ihinto ng management ang pagbenta ng ticket dahil wala nang lugar. Wala ng space sa loop ng venue.
Sulit naman kasi ang bawat sentimong ibabayad mo dahil sa galing mag-peform ni Angge. Simple, walang ere at arte sa katawan. Madaling kausap at propesyonal pa.
Super enjoy ang mga tao at applauded ang Diva Power sa bawat kanta. At lalong nagustuhan siya dahil pinilit pang makababa ng stage para lalo siyang mapalapit sa audience at enjoy ang mga ito sa pagpapakuha ng pic at pagsasayaw with her dahil isang danceable song ang inawit ninya.