Advertisers

Advertisers

BI nakipag-team up sa Chiang Kai Shek College, Confucius Institute UP Diliman para sa language training

0 63

Advertisers

NAKIPAG-TEAM UP ang Bureau of Immigration (BI) sa Chiang Kai Shek College (CKSC) at Confucius Institute ng University of the Philippines Diliman (CI-UPD) para magbigay ng Chinese language training para sa mga kawani nito.

May kabuuang 25 BI personnel mula sa head office at 25 na iba pa mula sa iba’t-ibang airports ang kasalukuyang nagsasagawa ng training na sponsored ng Chiang Kai Shek College.

Ang Basic Mandarin Language Program Level 1 training ay binubuo ng 50-hour curriculum. Dalawang training schedules ang itinakda: isa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula July 11 hanggang October 3, at isa pa sa BI Main office mula July 10 hanggang October 9.



Dagdag pa dito, ang Confucius Institute University of the Philippines Diliman ay nagsimula na ng 36-hour online program para sa BI personnel sa buong bansa, ito ay nagsimula na noong August 29 hanggang November 16.

Ang partnership na ito ay patunay ng katapatan ng BI sa kanyang pangako na paunlarin ang communication efficiency at mapabilis ang immigration process para sa mga Chinese-speaking individuals.

Binigyang diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng nasabing inisyatibo. “Proper communication is not just essential for effective service but also for building trust with the public. This training equips our personnel with valuable language skills to ensure accurate and efficient interactions with Chinese-speaking individuals,” pahayg nito.

Nagpahayag ng pasasalamat ang BI Chief sa CKSC at CI-UPD sa kanilang suporta at sinabi nito na ang programa ay lubhang kapaki-pakinabang sa sa paghahatid ng basic public service ng ahensya.

Bago ang pandemya, ang mga Chinese nationals ang pangalawa sa pinakamataas na bilang ng foreign arrivals sa bansa.



Ang Learning and Development Section ng BI ang siyang nag-organisa ng inisyatibo. Sinabi ni Tansingco na ito na ang simula ng serye ng language-based trainings na layuning palakasin ang kakayahan ng kanilang mga tauhan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)