Advertisers

Advertisers

‘Blind Soldiers’ pelikulang swak para sa mga estudyante

0 1,979

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

ANG kahalagahan ng edukasyon at upang magkaroon ng inspirasyon ang mga kabataang estudyante ang paksa ng pelikulang Blind Soldiers-Surrender Is Not An Option.
Prodyus ng Empowerment Film Productions, Inc. ang Blind Soldiers ay pinangungunahan ng mahuhusay na artistang sina Long Mejia, Soliman Cruz, Gary Lim, Bong Cabrera at ipinakikilala si CHED Dr. Ronald Adamat na siya ring nagdirek ng pelikula katulong si Marinette Lusanta.
Tsika ni Dr. Adamat, taong 2021 pa raw nagsimula ang shooting ng Blind Soldiers nung kasagsagan ng pandemic. Natagalan umano ang paggawa nila ng pelikula dahil ika niya, “timing is everything” at para sa kanila ay right timing na ang paglalabas nito sa mga sinehan simula sa Sept. 15-19, 2023 sa ilang SM Cinemas sa buong bansa.
Magkakaroon din ito ng premiere night sa Sept. 9, Sabado sa SM City North EDSA. Plano raw nilang imbitahan sina Sen. Robin Padilla, Sen. Bato dela Rosa at iba pa.
Ang Blind Soldiers ay halaw sa mga tunay na pangyayari noong panahon ng Japanese invasion. Ang shooting ay ginawa sa Mindanao, sa Malaybalay, Bukidnon, Lanao del Sur, Maguindanao Provinces, Cotabato City at Upi, Maguindanao.
Limang kalalakihan mula sa Teduray tribe ng Cotabato ang pumasok sa United States of Armed Forces in the Far East (USAFFE) sa panahon ng World War ll.
Ang kanilang katapangan at pagmamahal sa bayan ang ipaglalaban ng Blind Soldiers.