Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
SA kabila na unang local film niya ang Ang Mga Kuwento ni Ella, lumutang na agad ang husay sa pag-arte ng 11-anyos na batang aktres na si Ella Ecklund.
Laking US si Ella kaya halata pa ang medyo hirap na pagbitaw ng mga linya sa Tagalog.
Gayunman, ang rehistro ng mukha sa screen at ang tamang emosyon sa bawat eksena ay sapat nang katibayan na magaling at mas gagaling pang aktres si Ella sa pagdaan ng mga taon lalo na’t kakaririn na niya talaga ang akting.
Ang Mga Kwento ni ELLA na likha ng CINEMYR FILMS at RLTV Entertainment Production ay dinirek ng dalawang magaling na direktor, sina Direk EDMER GUANLAO at DIREK RONALD ABAD na miyembro ng Kapisanan ng Direktor ng Pelikulang Pilipino (KDPP).
Isa sa mga successful digital series na mapapanood sa Facebook at YouTube na patuloy ang pamamayagpag sa Social Media Movies na pinangungunahan ni ELLA ECKLUND na may apat na iba’t ibang istorya ng buhay na talaga namang tatagos sa inyong puso at maiiyak sa mga nakakaantig na istorya ng buhay pamilya.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Executive Producers na sina MS. EULA GUANLAO, MS. MARIETTA ABUD ECKLUND at MR. GORDON ECKLUND JR.
Lampas sa daang milyong pinagsamang organic views ang serye na Cinekwento kung saan mapapanood ito sa Cinemyr Films official Facebook page at sa kanilang official YouTube Channel.
Ang Cinekwento ay anthology film na produced mismo ng Cinemyr Films sa panulat at direksyon ni Direk Edmer na may-ari rin ng Cinemyr Films. Sinimulan ang Cinekwento nitong nakalipas na January 2022.
Ito ay sa hangaring makapagbigay nang libre at de-kalidad na mga panoorin para sa ating mga kababayan. Mahirap sa simula dahil prodyus ito ng Cinemyr Films at ni Direk Edmer. Pero dahil sa pagtitiyaga ay nagbunga, mahigit na milyong views ang bawat episode na inilalabas at nasa 563,000 followers na ang kanilang official Facebook page na Cinemyr Films at 277,000 subscribers naman sa Youtube.
At sa kasalukuyan, sa isang malakihang collaboration na mangyayari between Cinemyr Films at RLTV Entertainment Production, para sa mas pinaganda at espesyal na episode ng Cinekwento, ang “Ang mga Kwento ni Ella”.
Ang Cinekwento ay isang platform na nagbibigay sa mga bago at pasibol na actor at nangangarap na pasukin ang industriya ng pag-arte sa TV at pelikula. Kaya naman espesyal ang episode na ito, isa sa mga naging parte ng Ang Mga Kwento ni Ella si Ella na mula sa ibang bansa ay bumiyahe dito sa Pilipinas para ipamalas ang angking galing nito sa pag-arte sa patnubay ni Direk Ronald (KDPP). Makakasama ni Ella sa Cinekwento sina Nanay Mara, Cinemyr Prime Artist, Lito Capiña, Arjay Bautista, Mitch Dayupay, Erika Angel Perez, Karina Joy Macaspac, Justin Sanchez at Tonny Abad na mga actor ng FLP Artist Management.
Magiging malaking tulong ang collaboration na ito ng Cinemyr Films at RLTV Entertainment Production kasama si Ella Ecklund para mas ma-promote pa at marami pang makapanood ng series na hindi lang nakakapagbigay ng panoorin para sa mga netizens pero nakatutulong din sa mga bago at mga batang filmmaker na tinutulungan at tinuturuan ni Direk Edmer at ng Cinemyr Films.
Sa ganda ng apat na episodes ng Mga Kwento ni Ella, harinawang suportahan ito ng mahihilig manuod ng pelikula lalo pa at hindi na sila kailangan pang magpunta sa mga sinehan kundi sa Youtube channel na lang.