Advertisers
Zamboang City – Inangkin ni Christine Gomobos ng Philippine Army ang apat na gintong medalya upang itala ang kasaysayan bilang pinakamaraming napanalunan sa paghakot sa perpektong apat sa athletics event ng Mindanao Leg ng 2023 Philippine Reserve Officers Training Corps (PRG) Games.
Inangkin ng 20-anyos na si Gomobos ng Jose Rizal Memorial State University sa Dipolog City ang ikatlo nitong ginto sa pagwawagi sa women’s 100m sa bilis na 13.6 segundo bago idinagdag ang ikaapat para sa perpektong pagtakbo sa 4x400m kasama sina Shara Jamisola, Mary Sumilhig at Rahima Jamil sa oras na 4:50.00 minuto.
“Masayang masaya po ako kasi gusto ko po talagang maging pambansang atleta,” sabi ni Gomobos na una na nagwagi sa 200m sa 28.2 segundo bago tinulungan sina Jamisola, Sumilhig at Jamil sa 4×100 relay para pagningasin ang mga kadete-atleta ng Philippine Army.
Si Gomobos ang kauna-unahang atleta na nakapagwagi ng apat na gintong medalya sa natatanging torneo na binuo para sa mga kadeteng atleta matapos ang tatlong gintong nakamit ni Romeo Cantancio mula sa University of Negros Occidental-Recoletos sa unang leg sa Iloilo City.
Nagwagi sa Philippine Air Force ang 19-anyos at 2nd year Criminology student na si Barbie Toy Lamera ng Ramon Magsaysay Memorial College sa General Santos sa oras na 15.9 segundo.
Nakamit naman ng 20-anyos na si Shakira Tuahan ang ikalawang ginto para sa Philippine Navy sa 18.1 segundo.
Hinablot naman ni John Barry Asdani Jr ng Western Mindanao State University ang kanyang ikalawang ginto sa pagwagi sa 12.3 segundo sa century dash. Una na itong nagwagi sa 200m sprint.
Itinala naman ni Rico Miller Noro ng Davao Oriental State University ang matinding upset matapos angkinin ang una nitong ginto sa itinala na 11.8 segundo sa 100m sprint para sa Philippine Army
Hindi naman nagpaiwan si Silver Jude Ventosa ng Zamboanga Peninsula Polytechnic State University na maangkin ang ikalawang gintong medalya sa Philippine Navy sa pagwawagi nito sa oras na 11.9 segundo.