Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
“SOBRA pong nakakatuwa,” bulalas ni Jennica Garcia tungkol sa bago niyang product endorsement, ang Queen White beauty products.
“The brand itself, gustung-gusto ko rin na sobrang buti ng team sa amin, sinubukan ko naman yung mga produkto at natutuwa naman ako na gamitin ito.
“Lalo na kasi kailangan… very important din po talaga sa trabaho ko na pag tapos na kailangan talaga tatanggalin lahat ng makeup, so ang saya, sobrang grateful po talaga ako, kasi ang dami din naman nilang ibang puwedeng piliin pero napili po nila tayo.”
Ina at isang celebrity si Jennica, paano niya nagagampanan ang dalawang papel niyang ito sa buhay?
“Sa totoo lang po, wala namang sekreto sa kung paano ito gagawin pero pakiramdam ko po ang alas ko talaga sa pagsasabay ng pagtatrabaho at pagiging isang ina ay time management.
“Kumbaga kung meron tayong schedule para sa trabaho mine-make sure natin na hindi matatapos yung isang buong linggo na wala ring nakalaan na para sa mga anak ko rin.”
At dahil produktong pampaganda ang ineendorso ni Jennica, natanong ang aktres kung gaano ba siya ka-metikuloso sa balat niya?
“Basically naman, ako po talaga sa buong parte ng katawan ko sobrang ingat ko po talaga sa balat. Kasi kaya ko pong humarap sa kahit na sino, kahit gaano ka-importanteng tao, ng wala akong makeup.
“Pero hindi ko po kasi… basta maayos yung buhok ko, kaya very important po sa akin na even without makeup na I still look good.
“So I really make sure that I get to remove my makeup before I go to sleep, Queen White Micellar Water, and then yung pinaka-favorite ko na Queen White product talaga is the sunblock, and I like how we have many varieties, especially the one that has an instant white effect.
“Kasi po I’ve battled with acne so much in the past, so hindi ko maiwasan na yung pimple marks, nandun pa din ako sa process, you just don’t see it right now coz I have full-on makeup, and it took an hour to finish this face,” at tumawa si Jennica.
“Pero pag wala po talaga akong make-up, meron pa ding acne marks and it really helps, the kojic soap and then the sunblock, to help really remove that, kasi po brown spots po talaga siya na super visible, so gusto ko lang din i-stress yung importance ng sunblock.
“Kung meron kayong makakalimutan sa lahat ng sinabi ko, yung sunblock na lang yung huwag, kasi masasayang lahat yung… like for example, you’re going to use the Goddess Set of Queen White, tapos nakita mo na nag-improve, pero dahil nag-improve tinamad ka nang mag-sunblock.
“Pag hindi ka kasi nag-sunblock, magba-back to zero ka na naman, so very important talaga na name-maintain mo yun, yun po yung ginagawa ko.
“And then apart from that, I take care of my feet so much,” at muling tumawa si Jennica.
“But the reason I take care of my feet so much is kasi nakikita ninyo naman po ngayon hugis pang-lalaki kasi yung paa ko, so mine-make sure ko na lang na maputi, makinis, para kahit pangit yung shape niya e kaaya-aya pa din at ma-pink-pink ng konti.”
Tinanong naman namin ang CEO ng Queen White na si Ms. Sarah Vidi Payno-Mercado ng Biñan, Laguna kung ano ang edge ng Queen White sa ibang beauty brands.
“Ang edge ng Queen White sa ibang beauty brands is kasi kami… ako kasi hindi naman ako sikat na CEO, unlike sa other brands na maiingay yung mga CEO nila, so sa other brands siguro maingay yung CEO nila, pero sa Queen White kasi products namin yung nag-iingay,” pahayag ni Sarah.