Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA programang ‘Cristy Ferminute’ ng batikang showbiz journalist na si Cristy Fermin, nagsalita na si KC Concepcion sa isyu ng umano’y pag-unfollow niya sa stepfather na si Kiko Pangilinan at sa half-sister na si Frankie sa Instagram.
“Kapag showbiz po talaga, ‘no, tita, lahat parang lumalaki. Hindi naman po masama na magkaroon ng time na meron kayong ina-unfollow or meron kayong ipa-follow. Mahirap lang po talaga kapag showbiz po iyong family, talagang lahat pinupuna po,” aniya.
“Pero kasi, I think iyong sa akin is more of like I said, may mga complicated po talaga pagdating sa blended family. Meron din po talagang times na hindi perfect. Hindi po kami perpekto. And hindi po laging kailangan, perfect,” dugtong niya.
Paliwanag pa niya, ang gusto lang daw naman niya ay magkaroon ng kapanatagan ng isip at kalooban.
“Wala naman po akong gustong ikwento pa apart from the fact na ako, I just want peace of mind, I want to be happy, I want my family to be happy. Ang gusto ko lang is maging light, maging masaya. Ayoko ng maraming drama,” bulalas niya.
Dagdag pa niya, nag-e-effort daw naman siya bilang panganay na maging mabuting anak at ate.
“Basta po ako, feel na feel kong maging ate. And like iyong vlog ko sa Father’s Day, ang sinasabi ko lagi is important na ang dalawang tao sa isang relasyon work together to make it a good relationship.
“Kung meron man akong pagkukulang or pagkakamali kahit saan, sa tingin ko, mabibilang sa isang kamay lang iyon. Lahat ng ginusto ng family ko na gawin ko, ginawa ko. Nagtapos ako ng kolehiyo, nagtrabaho ako, inalagaan ko po iyong career, minamahal ko po iyong mga tao, talaga pong ginagawa ko ang lahat para maging mabuting anak, mabuting ate,” ani KC.
Sey pa niya, sa ngayon daw ay gusto muna niyang bigyang prayoridad ang sarili kasama na ang kanyang mental health.
“Very close po ako sa lahat ng half-sisters and half-brother ko. I just think na may mga moment na wala na akong control and mas gugustuhin ko pong i-keep ang aking peace of mind. Kasi po, 30s na rin ako, hindi na po ako bata. So, may mga panahon din po na. . .parang isipin ko muna iyong mental health ko, kung ano iyong makakabuti sa peace of mind ko, kahit ano pa ‘yan, mas uunahin ko po muna iyon. Importante po kasi iyon eh. Para mas kaya kong mahalin iyong mga tao in the way na dapat,” lahad niya
Sa ngayon ay mas gusto niyang pag-usapan ang kanyang upcoming movie na “Asian Persuasions” at ang nalalapit na concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.