Advertisers
Sa dami ng mga nagrereklamo laban sa Hampton Deca Homes diyan sa Imus, Cavite na nagsasabing na- scam sila ng balasubas na kumpanya ng pabahay, bakit tila bingi at sarado ang utak ng mga kinauukulan ahensiya para parehas na dinggin ang reklamo?
Sa halip kasing pagharapin ang magkabilang panig at pakinggan ang reklamo ng mga kostomer laban sa Deca Homes,parang pre- judge na ang sinasabing sagot ng local government ng Imus.
Mula sa Barangay hanggang city hall,iisa ang suhestiyon, magbayad na lang sa Deca Homes ng kanilang utang sa amortisasyon.
One- sided at talagang nakapabor sa ulol na developer.
Gaya ng sinabi at desisyon ng Kapitan ng Barangay Buhay Na Tubig,imbes na pakinggan ang nagrereklamo laban sa Deca Homes,agad sinabi ng tolongges na Kapitan sa nagrereklamo na magbayad na lang sa Deca Homes para walang problema!
Anak ng kabayong kuba naman Kapitan, walang presentasyon ng panig ang magkabilang side,may konklusyon ka na agad!
Di mo pa nga naririnig panig ng nagrereklamo, eto ka na at naglilitanya na magbayad na lang sa Deca Homes para walang problema.
PR man ka ba ng Deca Homes o nakikinabang sa Deca Homes Kupitan este Kapitan pala?
Imbes na gumitna ka sa isang usapin na sadyang namang dapat, masyado kang bias!
Maraming dapat malaman ang publiko sa scam na ito ng Deca Homes na nag- eengganyo sa tao na kumuha ng bahay mula sa nasabing housing developer pero pag naka-pagdown payment ka na at naka- move in,doon mo na lamang makikita at madidiskubre na pumasok ka na sa patibong ng mga mandurugas.
Ang mga hidden charges at interes na patraydor nilang isinisingit sa billings ng mga kaawa- awang kostomers nila.
Kapag di nakabayad sa takdang oras ang pobreng tao,ipa- padlock ang mismong unit kasama ang mga personal belongings at gamit ng nakatira.
Pure and simple harassment ng tarantado at kupal na developer.
Mistulang tulisan ang istilo ng developer na gamit ang kanilang mga palamuning abogago at koneksyon sa gobyerno sa pandurugas na ito (scheme)sa kanilang mga nilolokong kliyente.
Kung ganitong unutil ang LGU ng Imus, Cavite laban sa mandurugas na Deca Homes, we suggest na sa Kamara o sa Senado magpunta ang mga naloko ng Deca Homes at doon magsampa ng reklamo para malantad ang buong katotohanan sa large- scale na panlolokong ito sa ating mga kaawa-awang kababayan.
Napakarami na pong reklamo laban sa Deca Homes at napakarami na rin ang mga nadugas at na-biktima ng hayop na developer na ito.
It’s about time na wakasan na ang harapang pandurugas na ito ng isang pribadong housing developer laban sa ating mga kaawa- awang kababayan.
Lapitan nyo si Congressman Marcoleta para kayo matulungan.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com