Advertisers

Advertisers

Sey mo Coco… Alden bigay-todo sa laplapan kay Julia; Maine misis na kaya bagong hairstyle na

0 645

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NGAYONG Mrs. Maine Mendoza Atayde na ang TV host actress ay goodbye na ang kanyang straight long hair.
May mga nanghinayang sa long hair ni Maine pero for a change nga raw at hahaba rin naman yun.
New look ang peg ni Maine sa bago nitong hairstyle.
Sa pagpapagupit ni Maine ay umaasa ang kanyang fans na magbubuntis na ito
Maraming kaibigan sa showbiz ang nakapansin at napa-conment sa bagong look ni Maine.
Kahit nga ang mga Legit Dabarkads sa E.A.T. ay gandang-ganda sa new look ni Maine.
***.
ITO na yata sa lahat ng project ni Alden Richards na ginawa ang pinakamatindi na pinagsamahan nila ni Julia Montes. Kahit nga ang kampo ni Julia ay di lubos maisip na ganun daw pala katindi makipaglaplapan si Alden
Finally nga raw at nakatikim na rin ito ng torrid kissing scene na now lang nito nagawa sa kanyang karera .
Kaya usap-usapan ang nasabing eksena na nai-post na sa socmed.
May biro nga ang netizens na baka magalit si Coco Martin sa laplapan scene ni Julia kay Alden
May mga kinilig naman sa pakikipaglaplapan ni Alden kay Julia.
Well, well, well… ‘Yun na!