Advertisers

Advertisers

BALAT KALABAW

0 5,925

Advertisers

HINDI pinaporma ni Inday Sapak ang Makabayan Bloc sa Kongreso na makapagtanong sa inihaing budget ng opisina ng bise-presidente. Dala ang gadget, inilahad ng opisina ng pangalawang-pangulo ang panukalang P2.3B budget ng OVP. Pagkatapos na pagkatapos ng Audio Visual Presentation ng budget ng OVP, kagyat na naghain ang anak ni Galema’t Boy Pektus na si Zandro banggit ang tradisyunal o nakaugaliang “parliamentary courtesy” sa opisinang tangan ni Inday Sapak. Ipanawawakasan ang pagdinig na senyales ng pagtatapos ng pagdinig sa inilatag na budget ng OVP. May naghayag na pagtutol sa hanay ng ilang kongresista na ibig magtanong sa detalye ng gastusin ng OVP higit ang sa Confidential ang Intelligence Fund na inubos ng walang isang buwan ang P125M.

Dahil sa magkasalungat na manipestasyon, hinati ng mamumunong opisyal ng Komite ang grupo na dumidinig sa pondong hinarap ng OVP. Semplang ang iilan sa nakakarami at pinagtibay ang mungkahi ng anak ni Galema na wakasan ang pagdinig sa budget ng OVP.

Sa nasabing pagdinig nasilip ni Mang Juan ang pagkiling ng mga mambabatas sa hanay ng pangalawang pangulo higit sa kagalingan ng bayan. Hindi ibig na maisalang sa mga pagtatanong ang bise-presidente na unang nagbigay ng pahayag na lilinawin sa kung paano ginamit ang CIF. Walang balak ang mayorya ng mambabatas na malaman ang detalye ng gastusin ng OVP. O’ dahil sa usapin ng kakampi’t pagiging kasanga. O’ na mamalahibo kay Inday Sapak na kilalang mapagtanim ng sama ng loob.



Sa nasabing pagdinig, ‘di maiwasan ni Mang Juan na mapailing ang ulo sa pagtayo’t pagtalikod ni Inday Sapak sa nasabing pagdinig. Walang ka abog-abog at lumisan kahit nag-sasalita ang isang kinatawan na ibig ipaliwanag ang pagtutol na boto. Sa puntong ito, hindi kinakitaan si Inday Sapak ng GMRC (Good Manners and Right Conduct) na siyang dapat na maging huwaran sa nasasakupan.

Sa sumunod na pagdinig hinggil sa budget ng Kagawaran ng Edukasyon, hindi kinakitaan ng Gilas ang Kalihim sa halip talo ang isang basketbolista na mahusay mamasa. Sa kawalan ng alam sa kagawarang pinamumunuan, ibinabato ang bawat tanong ng mga mambabatas sa sandamukal na USEC na sumasagot sa katanungan. At malinaw na isang halimaw lang ito sa kagawaran, na ang gawa’y takutin ang mga taong nasasakupan. Ang kawalang alam ni Inday Sapak ang larawan na ‘di dapat mawalay sa isipan ni Mang Juan lalo’t may ambisyon ito sa hinaharap.

Ang tanging nagawa nito sa pagdinig ang pagsasabi ng importansya ng CIF na kaalinsunod sa pambansang seguridad. Ang presensiya sa pagdinig ay pagsasaad o pakita na ‘di kailangang himayin o busisiin ang panukalang budget dahil naroroon ang butangerang si Inday Sapak. Walang hindi makikilala at malilimutan sa pagdinig higit ang mga kontra. Humanda sa darating na panahon na maging Reyna ng bayan. Tingnan kung magkakatotoo ang ambisyon.

Ang pinakitang pag-uugali ni Inday Sapak ang dapat itanim ni Mang Juan sa isip upang ang kinabukasan ng baya’y ‘di mapagbidahan ng mapagsamantala higit sa pera ng bayan. Ang kawalan ng respeto sa mga taong mababa ang antas sa lipunan ang pag-uugaling kinamumuhian ng marami. Ang pag-uugali na siya ang magaling at dapat sundin ay larawan na nakakakilabot sa kinabukasan, higit sa lipunan ng malayang mamamayan. Ang pagnanais na magkaroon ng malakas na sandatahan na siyang nais ang maglalagay sa bayan sa kawalan kasunod ang kawalan ng Kalayaan. Sa kilos ni Inday Sapak masasabing mas masahol ito kay Totoy Kulambo kaya mag-ingat bayan higit sa pagpapasya sa kinabukasan. Sandamukal na kahirapan sa nakararami ang sasapitin higit ng mga taong malayo at kumontra sa ibig ng bobang butangera. Masasabi na isang pahiwatig ang pagdinig sa budget sa ahensyang pinamumunuan. Sa mga kalaban, sa inyo ang ngayon akin ang hinaharap, Raoul at France mag-ingat ingat.

Sa kilos ni Inday Sapak pansin ang pagiging arogante at walang hindi kaya sa bansang ito. Hindi nagpapakita ng kahinaan o sadyang mahina’t ipinapakita ang kabila ng pagkatao. Hindi maitatago ni Inday Sapak ang kahinaan sa likod ng pagiging brusko’t arrogante ng pag-uugali. Hindi nais humarap sa pagbusisi ng kongreso na dumidinig sa usapin ng budget sa mga ahensyang pinamumunuan. Malinaw na umiiwas na malantad ang kabobohan sa mga tanong na hindi kayang sagutin kahit may paghahandang ginawa. Isang papogi points ang presscon na ginawa at naglahad na sasagutin ang bawat tanong na ipupukol hinggil sa budget ng mga ahensya. Sa pagsalang at pagpasok sa mababang kapulungan hayun bahag ang buntot na tila asong nagmamadaling lumisan at baka mabato ng taong bayan. Hay Inday Sapak, lumitaw ang kaduwagan.



Sa totoo lang, hindi hawak ni Inday Sapak ang kinabukasan o kung sino man. Pansamantala ang paghawak sa tinatangan kapangyarihan. Ang kabutihan at kabaitan ang daan tungo sa itaas ng hagdan at hindi ang ka-arrogantehan tulad ng amang palamura. Huwag abusuhin ang inatang na tiwala ng bayan at baka ma-umay at umayaw sa kinabukasan. Ang pagharap sa hamon ng kasalukuyan ang magdadala sa kinabukasan dahil kita ng bayan ang gawang mabuti higit sa kabuktutan. Sa una ang langis na magsasabi na ikaw ang napili at sa pangalawa’y kabiguan dahil sa kasakiman. Matalas ang memorya ni Mang Juan sa tunay na lingkod ng bayan at iya’y napatunayan sa maraming kasaysayan.

Sa iyo Inday Sapak, huwag iwalay sa isipan na ang pansamantalang tagumpay at ito’y ‘di katiyakan sa kinabukasan. Ang magpakita ng kababaang loob sa masang ibig paglingkuran ang magtitiyak sa ambisyon sa kinabukasan. Hindi masama ang mag-ambisyon ngunit manatiling naka-apak ang paa sa lupa tulad ng kalabaw na gamit sa sakahan. Isuko ang serbisyong ‘di kaya at magtuon sa pagpapalakas sa kinabukasan ng bayan. Maging tulad ng kalabaw na kinagigiliwan ni Mang Juan dahil sa gamit sa sakahan. Ngunit huwag magbalat kalabaw na makunat at matigas gaya ng mukhang ipinapakita. Malinaw kay Mang Juan ang ambisyong nais sa hinaharap ni Inday Sapak, ang magpakumbaba sa kilos at pag-uugali ang tinitingala ng bayang marangal. Harapin ang hamon ng kasalukuyan at huwag magtago sa kawan ng kasanga sa kongreso. Ang pakinabang sa kalabaw ay hindi makunat na balat kundi ang sipag ng nasa magsasakang may tangan.

Maraming Salamat po!!!