Advertisers

Advertisers

WALANG TIRADOR SA LABAS ANG GILAS PILIPINAS

0 139

Advertisers

ANG tagal na binuo ang national team sa basketball na Gilas Pilipinas.

Last two minutes ay mayroon nang pinaleng lineup ng ‘deadly dozen’. Palaban,may puso(daw) at di palulupig sa sariling bayan.

Iyan ang karakter ng Gilas Pilipinas na pinansabak sa 23FIBA Basketball World Cup na inihu.-host pa ng ating bansa.



Pero hanggang doon lang.

Op kors lalaban at dapat manalo sa sariling balwarte pero hanggang salita at wishful thinking lang dahil pagdating sa aktwal na bakbakan,mas superyor ang mga dayuhang kalabang kumpleto ang arsenal.

Dehado na sa size,pati sa diskarte at sa bench tactician ay masyadong inferior ang Gilas natin .Panalo lang tayo sa hometown crowd pero di kayang magpanalo ng game ang sigaw ng tao sa galeria.

At ang pinaka- vital na kakulangan ng Gilas Pilipinas ay ang shooting department partikular sa teritoryo ng tres.

Gone are the hot hands of Jimmy Mariano,Jun Papa,Joy Cleofas atbp noong dekada ’70 at ’80 na pumupukol at bumubuslo sentimetro lang ang pagitan sa cornerline.



Wala sa ating national team ang kalibre ng mga asintado noon tulad nina AllanCaidic,Jimmy Alapag,Jeff Chan,El granada David,Larry Fonacier et al na sa konting opening ay sasalpak ang 3- point shot na magpapataranta sa kalabang mahigpit ang depensa sa paint area.

Di puwedeng puro salaksak ang ating panlaban kontra mga kapreng kalaban.

Ang mga katunggali nating Africano,Latino at Europeans ay pawang may sandata sa rainbow territory maging ang mga singkit na Koreano,Hapones at Tsino ay pawang asintado kahit halos pikit ang mga mata ay ilista mo na ang pukol nila.

Licensed shooters ang kailangan ng Gilas Pilipinas para makabalikwas sa mga susunod na lalahukan na ating pambansang koponan.

Dead last sa group A ang Gilas Pilipinas.Hindi malas,talo talaga at kailangan ng i-overhaul sa shooting department at sa head coach .

Gilas Pilipinas..puro na lang olats..ang sakit sa PUSO!

Lowcut: Shoutout sa ating ka- SPO’s vice Gov Edwin Salve,kuya Chito Deguit,kuyaJorge Pascua,kuyaLeo Bicaldo,kuyaBoni Bargan,Kuya Elmo Mayo,kuya Ding and Barry Agpoon ,kuya Noy,Sarge at mga ate en op kors Kuya Gov.Mabuhay ang Agila!