Advertisers
SAMUT- SARI ang mga naglalabasang problema sa bansa na tila ‘di na kayang solusyunan ng mga itinalagang opisyales ng pamahalaan. Dapat siguro na gumamit na ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ng “kamay na bakal” laban sa mga tao at grupong sumasalaula sa bayan.
Ang Pilipinas ay hirap makaahon dahil sa mga nagsusulputang problema na ipinangakong haharapin at bibigyang solusyon noong si PBBM ay kumakandidato pa lamang. Kasama din sa kanyang pangako ay ang pagpapababa ng presyo ng bigas sa halagang P20 bawat kilo. Pero dahil sa kalokohan, katiwalian at katamaran ng ilang Itinalagang opisyales ng kanyang administrasyon ay lalong nababaon ang bansa sa kahirapan.
Isa sa problemang balakid kaya hindi makaporma ang PBBM administration ay ang peace and order dahil sa nagkalat, hindi masupil na kalakaran ng droga at illegal gambling, isama na ang oil at petroleum product smuggling, paihi pati na ang talamak na pagpupuslit ng produktong pang-agrikultura kasama na ang bigas at sibuyas. Ang mga nagiging dahilan naman ng kaliwa’t kanang insidente ng kriminalidad ay ang pakikipagsabwatan ng mga awtoridad sa crime and vice group sa ngalan ng regular na payola, tongpats, intelihencia, lagay o suhol.
Halimbawa ay ang unholy alliance sa pagitan ng pulisya at ng mga financier/operator ng STL con-jueteng, lotteng, sakla, pergalan (perya at sugalan) at iba pang uri ng sugal sa lalawigan ng Laguna, ganon din ang droga at paihi operation pero ‘di kumikilos ang mga kinauukulan para sawatain ang mga ito.
Matagal na ang operasyon ng illegal drug, gambling at paihi sa lalawigang ito ni Gov. Ramil Hernandez, subali’t ang nakapagtataka ay walang naririnig sa butihing provincial capitol top official o pagtatangka manlang para supilin ang mga ilegal na ito na dahilan ng tumataas na kriminalidad sa bahaging ito ng Region 4-A.
Hindi mapasisinungalingan ang nagkalat na illegal vice operation sa Laguna pagkat may isang alyas Jowell Kwento na umiikot bilang chief tong kolektor ng ilang top PNP official sa Laguna at naturang rehiyon.
Kasama ni Jowell Kwento sa pangongolekta ng proteksyon money sina Tenyente Karnibal, Msgt. Okula, Sgt. Jimmy Rose at sibilyang si Villanueva.
Sa nakalap na detalye ng SIKRETA, ang grupo nina Jowell Kwento ay ginagamit ang tanggapan ng Laguna Police Provincial Director at maging ang Department of Interior and Local Government.
Pati ang pangalan ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. at Criminal Investigation and Detection Group Director MGen. Romeo Caramat ay kaladkad din nina Jowell Kwento, Tenyente Karnibal, MSgt. Okula, Sgt. Jimmy Rose at Villanueva sa kanilang ilegal na gawain.
Dahil nakatimbre at naghahatag ng lingguhang ‘protection money’ ang mga iligalista, walang pangingiming lantaran ang mga pergalan nina Aling Judith sa Tram Plaza, malapit sa Iglesia ni Cristo at Polytechnic Hospital, sakop ng Brgy. Balibago, Sta. Rosa City.
Si Aklang naman ay nag-ooperate ng mga ilegal na pasugalan sa Garden Villa sa naturan ding siyudad. Ang mga kailigalang ito ay hindi tinitinag ni Sta. Rosa City Police chief LtCol. Dwight Fonte at ng kanyang mga operatiba.
Sa tabi lamang ng Binan City Public Market, sakop ng Brgy. Sto Domingo, ay 24/7, ulani’t arawin ay walang puknat ang color games, cara y cruz, sakla at iba pang labag sa batas na sugal ni Janice, na binabalewala lang ng hepe ng pulisya na si LtCol. Virgilo Jopia.
Sa Cabuyao City hayagan din ang mga pasugalan ni Rommel na ‘di alintana ni Police chief LtCol. John Eric Antonio.
Sa bayan ng Alaminus, malapit lamang sa opisina ni Mayor Glenn Pampolina Flores, harap-harapan din ang mga ilegal na pasugal ni alyas Bella sa kunyari ay ipinatayo nitong mini carnival. Parang sampal ang mga ito sa pamunuan ni Police chief Maj. Serafin Gapunuan.
Ratsada din sa Laguna ang operasyon ng mga magnanakaw ng kubransa ng lehitimong operasyon ng PCSO-sponsored STL na kilala ding STL con-jueteng o bookies. Sa 26 barangays ng bayan ng Sta. Cruz ay laganap ang takbo ng jueteng ng isang alyas Areza, samantalang sa munisipalidad ng Bay, bukod sa sangkaterbang saklaan ni alyas Richard ay solo din nito ang STL bookies operation sa 15 barangays ng nasabing munisipalidad.
Ang iba pang nabigyan ng mistulang legal na “prangkisa” ng STL con-jueteng o bookies sa Laguna ay ang 25 gambling lords (GLs) na kilala din sa larangan ng kalakalan ng droga na kinabibilangan nina alyas Tose, Tita, Osel, Amante, Timmy, Orlan, Jayson, Pinky, ex-police Eborra, Nico, Manguiat, Kon Robert, Mayang, Gil, Vener, Baretto, Angke, Bong at iba pa.
May basbas din kina Jowell Kwento ang mga sakla operator na sina alyas Oruga, Jayson, Joan at Robert, Lady Rose, Castillo, Ronnie /Junjun, Leviste, Katimbang, Jenny at Bong na kinikilalang “sakla king” ng naturang lalawigan.
Naghahatag din kina alyas Jowell Kwento sina Ador at Mr. King na operator ng mga paihian sa likod ng Yakult Philippines at sa dating warehouse ng San Miguel Corporation sa Brgy. Makiling, Calamba City.
May bentahan naman ng mga pinaihing petroleum product sa Silangan Exit, Calamba City at Brgy. Balic sa Cabuyao City. May illegal parking ng mga cargo truck at iba pang malalaking behikulo ang Nofrada Gang sa Brgy. Makiling Highway, Calamba City na dedma lang kay Calamba City Police chief LtCol. Milany Martirez.
Dapat nang pumagitna si PBBM kung ang lahat ng kabulastugang ito sa Laguna ay hindi kayang supilin nina PBGen. Gaces at PDG Acorda Jr.?
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.