Advertisers

Advertisers

Kandidatong tserman, 3 eskort huli sa 6 baril sa checkpoint

0 127

Advertisers

NAKUMPISKA ang iba’t ibang baril mula sa isang kandidato sa pagka-barangay chairman at tatlo pang kasama nito sa isang checkpoint sa Midsayap, Cotabato, Martes ng gabi, August 29, 2023.

Agad na ikinulong sa Midsayap Municipal Police Station si Hedar Samal Talib at mga kasamang sina Suhod Daud Sindatuk, Farhan Gapor Abubakar at Nabil Kalim Makalay nang maharang sa isang checkpoint dahil sa pagdadala ng mga matataas na kalibre ng baril habang naglilibot sa naturang bayan sakay ng isang Toyota Hilux pick-up truck.

Kandidato si Talib sa pagka-barangay chairman ng Sambulawan sa Midsayap, isa sa 63 barangays sa probinsya ng Cotabato na sakop ng Bangsamoro region.



Ayon kay Brig. General Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, kakasuhan si Talib at ang kanyang tatlong kasama ng paglabag sa gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections kaugnay ng nalalapit na barangay elections sa October 30.

Sasampahan din ng hiwalay na kasong illegal possession of firearms sina Talib, Sindatuk, Abubakar at Makalay dahil sa walang lisensya ang mga baril na nakumpiska mula sa kanila.

Naaresto ang apat walong oras matapos mapatay, Martes ng umaga, August 29, 2023, sa pamamaril malapit sa municipal hall ng Midsayap ang isang kandidato sa pagka-chairman ng Barangay Malingao sa naturang bayan na si Haber Dimalanis.

Nagtamo ng mga tama bala sa insidente ang driver ni Dimalanis na si Habir Kambiong, ngayon nagpapagaling na sa isang pagamutan, guwardiyado ng mga pulis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">