Advertisers
INTERESADO ang Filipino boxing icon Manny Pacquiao na sumabak sa 2024 paris Olympics.
Nakipagpulong ang kampo ni Pacquiao sa Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham”Bambol” Tolentino,nagtanong kung paano ang dating eight-division world champion ma qualify sa prestihiyosong quadrennial meet.
“Senator Pacquiao’s camp reached out saying our Filipino ring idol wants to fight in Paris,” Wika ni Tolentino Miyerkules.
Sinabi nya na tinalakay na ng POC sa Association of the Boxing Alliances in the Philippines(ABAP) na nangangasiwa sa Olympic boxing habang ang International Boxing Association ay suspendido.
“But the Senator can no longer vie for qualification in the Asian Games in Hangzhou next month,” Tugon ni Tolentino.
Ang Asian Games, na nagsisilbing qualifier para sa Paris, ay may age limit para sa atleta na 40 years old sa lahat ng sports.
Sinabi ni Tolentino na si Pacquiao, 44 ay puwedeng ma- qualify sa pamamagitan ng dalawang Olympic qualifying tournaments na nakatakda sa first at second quarters ng 2024.
Dagdag pa ng POC chief na si Pacquiao ay makakuha ng berth sa ilalim ng Universality rule, na ibibigay ng IOC.May siyam lang na puwesto sa ilalim ng Universality sa Paris Games,lima para sa babae at apat para sa lalaki.
Kinumpirma ng close aide ni Pacquiao ang intensyon ng dating senador na sumabak sa Olympics.
Ang ABAP, sa pamamagitan ng kanilang chairman Ricky Vargas, welcome si Pacquiao sa national team at tutulungan sa kanyang qualification.
Pacquiao, na kasalukuyang timbang na 66kgs, ay pipili sa pagitan ng 63.50kgs or 71 kgs na parehong tampok sa paris Olympics.
Ang professional boxers ay pinayagan na sumabak sa Olympics at sa Tokyo, 43 sa 186 competitors ay professionals, kabilang ang middleweight bronze medalist Eumir Marcial, na tinalo ang kapwa professional, Armenian Arman Darchinyan, sa quarterfinals.
Si Marcial ay nagwagi by unanimous decision laban sa American Andrew Whitfield sa kanyang unang professional fight noong Disyembre 16,2020 sa Los Angeles.