Advertisers
PAG-AARALAN ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang mungkahi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ibalik ang paggamit ng silbato at batuta ng mga pulis.
Ayon kay PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., napag-usapan nila ni Dela Rosa ang mga nakalipas na insidente kungsaan namamaril agad ang mga pulis.
Isa, aniya, sa mga maaring dahilan nito ay ang kawalan ng ibang paraan ng mga pulis na magbigay ng “warning” sa mga suspek.
Paliwanag ni Acorda, kung bahagi ng uniporme ng pulis ang batuta at silbato, mayroon silang paraan para mag-establish ang police presence na hindi kailangang bumunot agad ng baril.
Bunsod nito, pag-uusapan nila ng Command Group at Directorate for Research and Development ang naturang suhestyon ni Sen. Bato na dati ring pinuno ng Pambansang Pulisya.