Advertisers

Advertisers

PBBM DADALO SA ASEAN SUMMIT MULA SEPT.5-7

0 92

Advertisers

INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulak patungong Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, inihayag ni DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu na dadalo si PBBM sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Jakarta mula Setyembre 5-7,2023.

Sinabi ni Espiritu na ang ikalawang summit ay masasabing follow-up sa mga natalakay sa 42nd summit sa Labuan Bajo noong Mayo.



Matatandaan na mismong si Indonesian President Joko Widodo ang nag-imbita kay Marcos na dumalo sa summit dahil ito ang ASEAN Chairman ngayong taon.

“It will serve as a platform for leaders to exchange views on key regional and international issues, build consensus on matters of mutual interest and provide policy direction for the ASEAN community in the years to come,” ani Espiritu.

Posibleng makapulong ng Presidente ang ilang dialogue partners ng ASEAN, gayundin sa iba pang summits ng ASEAN-led mechanisms gaya ng ASEAN Plus Three Summit at East Asia Summit.

Maliban dito, dadalo rin ang Presidente sa pagbubukas ng ASEAN Indo-Pacific Forum.

Inaasahan namang isusulong ng chief executive ang interes ng Pilipinas sa usapin ng food security, pagtugon sa epekto ng pabago-bagong klima o climate change, proteksyon sa migrant workers, post-pandemic recovery, at iba pa.



“This even will serve as a platform for ASEAN to discuss infrastructure projects and programs to implement the priority areas of cooperation under the ASEAN Outlook in the Indo-Pacific with the external partners and other participants,” dagdag pa ng DFA official. (Gilbert Perdez)