Advertisers
Ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay maliwanag at bukas sa sinomang nais suriin ito, at ang local government unit (LGU) naman na di tamang nagasta ang pondo, ay nahaharap sa mga kaso, ito ang pahayag ni National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año, sa kanilang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo.
“Kahit anong oras i-audit, i-inspect ng ating COA (Commission on Audit) o kahit (sinong) third party audit group, makikita natin kung saan napunta ang pondong ‘yan. At kung meron mang nakikitang butas diyan, we’re also ready to file (cases) to any of the LGUs who would not be able to justify the disbursement and spending of the fund. We’re very much transparent here because what is at stake is what is due to our people,” ang sabi ni Año, na co-vice chairman ng Task Force.
Binigyang diin niya rin ito nang sumalang sila sa budget hearing sa Kongreso upang ilahad ang 2024 proposed budget ng NTF-ELCAC, kung saan sinabi ng kalihim na mali ang paratang ng mga natitirang miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara na ang pondo ay maituturing “pork-barrel” lamang.
“Ito ay hindi ‘pork-barrel’. These are itemized or budget line items. Bawat barangay na lalagyan ng BDP (Barangay Development Program) funds ay talagang dumaan sa tamang proseso mula doon sa pag-surey na kailangan ng barangay, pgdesisyon nila, pagsama dun sa local development program nila, going up and then also by the NTF-ELCAC ay may proseso ‘yan,” paliwanag ni Año sa harap ng Makabayan bloc gaya ng Gabriela, ACT at Kabataan partylists na siya namang mga front organizations ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Tinagurian ngang “game-changer” ang BDP na is a flagship project ng Pangulong Bong Bong Marcos, na malaking nagawa para mawalan ng suporta ang mga komunistang-terorista sa malalayong lugar at mga barangay.
Tiwala rin ang Kalihim na ipapasa ng ating mga mambabatas ang budget na tag-P10 milyon sa bawat barangay ng 864 nalinis na, na mga barangay na dati’y pinamumugaran ng nga CPP-NPA-NDF.
Ipinaliwanag din ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ang mga pondong ito ay naka-linya sa Department of Interior and Local Government (DILG).
“It is directly released to the LGUs. So, as we’ve explained here today the BDP is a critical component in the government’s program to end local communist armed conflict,” ang sabi ni Malaya.
“We hope that our Senators and good Congressmen will continue to support the BDP project in the years to come,” dagdag pa niya.