Advertisers
Bahagi sa pagpapalakas sa industriya ng pagni-niyog ay puspusan ang panghihikayat ng kasalukuyang administrasyon sa pangunguna ng PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY (PCA) para sa REPLANT COCO TREES.
Ang REPLANT COCO TREES ay bahagi ng ikinakampanyang pagtatanim ng 100 milyong puno ng mga niyog sa buong bansa hanggang sa pagtatapos ng termino ni PRES. FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.
Bagama’t P1 bilyon lamang ang naaprubahan mula sa panukala ng PCA na P11 bilyon budget para sa taong 2024 ay magagawan pa rin ng pamamaraan sa masistemang pamumuno ni PCA ADMINISTRATOR BERNIE CRUZ at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang BUSINESS INDUSTRY sa ating bansa para mapayabong ang COCONUT INDUSTRY sa buong bansa.
“By next year, a factory will be put up to mass produce the coconut byproducts to be used as construction materials.., PBBM noted that instead of importing construction materials made from coconut byproducts, the Philippines should itself mass produce such construction materials. The coconut husks will be made as coconut bricks for construction materials which are termite-proof,”
saad ni CRUZ sa naging panayam ng ilang bumubuo ng QUEZON CITY PRESS CLUB (QCPC).
Si CRUZ ay dating AGRARIAN REFORM UNDERSECRETARY na ngayon ay maraming farmers organization ang aktibong nakikipagkaisa sa programang inilulunsad ngayon ng PCA.
Bunsod nito ay gagawa ng SEED BANK o SEED GARDEN sa mga bawat lalawigan sa pakikipagtulungan ng BIG PLAYERS sa COCONUT INDUSTRY.
May tinatayang 3 milyon ang COCO FARMERS sa buong bansa na ang mga ito ay direktang masusuplayan sa mga pangangailangang COCO PRODUCTS.
Ang ating bansa ang dating TOP DOLLAR EARNERS subalit sa pagdaan ng mga panahon ay humina ang produksiyon dahil sa paglakas ng negosyo sa COCO LUMBER.., na ayon kay CRUZ ay dapat munang magtanim ng mga bagong punla ng punong niyog bago magputol o yaong mga matatandang puno na lamang ang putulin.
Mga ka-ARYA.., ang COCONUT TREES ay maraming nakukuhang benipisyo tulad ng ang bunga ay maaaring gawing panggata sa mga lituing pang-ulam, gawing lang is, ang sabaw ay malaki ang katulungan para sa ikalalakas ng katawan.., ang mga dahon ay iba’t ibang produkto ang nagagawa at ang panggitna ng dahon ay nagagawang walis tingting hanggang sa puno ay nagagawang coco lumber o kaya ay nagagawang wooden bricks.., kaya kakailanganin dito ang BIG PLAYERS na may puwersa sa pagmamanupaktura ng iba’t ibang uri ng mga kagamitan at makalikha pa ng maraming trabaho para sa mamamayan na hindi na kakailanganin pang mangibang bansa.
Sa kasalukuyan ay maraming BIG PLAYERS sa pagnenegosyo ang nakikipag-koordinasyon ngayon sa tanggapan ni PCA ADMIN. CRUZ para sa pagpapalakas sa COCO INDUSTRY sa ating bansa.., upang muling maging TOP DOLLAR EARNERS ang sektor ng mga magniniyog!