Advertisers

Advertisers

Sunog sa Binondo sumiklab sa pagbuhos ng ulan

0 107

Advertisers

TINUPOK ng apoy ang ilang bahagi ng storage commercial sa panulukan ng San Vicente at Tomas Pinpin Street sa Binondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Lieutenant Colonel Rexon Layug, Commander ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, 6:30 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Hwan Lim Hong Lian Storage Commercial.

Agad na rumesponde ang kanyang mga tauhan upang masiguro na walang mapagsamantalang gagawa ng masama, saka ipinagbigay alam sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP).



Sa report ni Fire Senior Supt. Cula, 6:38 ng umaga nang ideklara nitong 1st alarm ang sunog, at 6:51 ng umaga nang umabot ito sa ika-2 alarma, idineklarang fire under control 7:40 ng umaga.

Walang naiulat na nasaktan sa sunog , at walang nadamay na mga residente. (Jocelyn Domenden)