Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAPAG-UUSAPAN na nga raw nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na sundan na si Baby Rosie o Peanut.
Nasa planning stage na raw ang Baby no. 2 nina Luis at Jessy.
Kung si Luis ang tatanungin kung ilang anak ang plano nila ni Jessy, 3 raw ang gusto nito.
Okey lang naman daw kung si Baby Rosie lang ang kanilang anak na ipagkakaloob sa pananaw ni Luis pero gusto rin nito ay isang bagsakan lang habang bagets pa si Jessy.
Twelve years older anya ang tanda ni Luis, 42, kay Jessy na 30 pa lang.
Kumbaga ay keribel pa ni Jessy na magkaroon ng anak.
Dahil 9 months nga naman nila dala sa kanilang sinapupunan ang sanggol kaya inuunawa ni Luis if ever di pa ready si Jessy para sa kanilang second baby.
***
Ellen inalala ang mga parusang tinanggap sa erpat nung bata pa
TANDANG-tanda pa ni Ellen Adarna ang punishment na iginawad sa kanya ng ama noon.
Dahil umano ito sa pagtakas ni Ellen to attend party kaya dumaraan pa ito sa bintana.
Mahigpit daw ang tatay nito at disciplinarian kaya natakot si Ellen umuwi ng bahay.
Natanong si Ellen kung anong mga punishment ang nagawa sa kanya ng ama.
Ito raw ay paglalaba, paglilinis, at pagtulog sa kuwarto ng maid.
At ang isa pa nga raw parusa ay yung pinag-jeep ito ng 3 months na sinusundo naman ng kanyang yaya.
Never niyang makakalimutan ay ang pagpapaluhod sa kanya ng ama sa monggo, pagbabahagi pa ng esmi ni Derek Ramsay.
Well, well, well…’Yun na!