Advertisers

Advertisers

Robi type i-postpone ang kasal sa non-showbiz dyowa

0 148

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HANGGA’T maaari ay gustong iatras muna ni Robi Dominggo ang kasal nila this year ng fiancee na si Maiqui Pineda dahil sa sakit nitong dermatomyositis, isang rare autoimmune disease. Gusto niyang tuluyan muna itong gumaling bago sila magpakasal.
Pero gusto pa rin ni Maiqui na ituloy ang kanilang kasal, sa original date na napili nila kahit hindi pa ito magaling.
Sabi ni Robi,”Actually, I told her about delaying the wedding. Pero she told me, ‘No, give me something to hope for.’ So, dapat walang delay.
“Kasi gusto niya na may target kami, may target date. Kailangan by that date or before that, um-okay na siya.”
Malaki rin ang pasasalamat nilang bumubuti ang kalagayan ni Maiqui, subalit matagal ang gamutan nito.
“I have to be hands-on because she is focused on the betterment of her condition. So, kailangan habang iniisip niya yung sarili niya, ako muna sa lahat.”
Inamin ni Robi na seryoso ang kondisyon ni Maiqui.
“Last week, she went to Singapore and the doctors told her that her condition was life-threatening and lethal,” kwento ni Robi.
“So, di ba, how would you feel when she told me about that? Siyempre, bagsak na naman yung mundo ko, ‘Okay, ano lang gagawin namin?
“But her determination keeps me moving forward, e,” sabi pa ni Robi.
***
MAY bagong single na pino-promote ang mahusay na singer-actress na si Sarah Javier titled Pangakong Napako, na pwede nang idown-load sa lahat ng digital platforms.
Siya mismo ang sumulat ng kanta at arranged by Elmer Blancaflor. Ang lyrics ng kanta ay binase ni Sarah sa kwento ng buhay pag-ibig ng mommy Lily niya.
“Eto ‘yung kwento ng buhay ng nanay ko. So, ito ‘yung kwento ng pag-ibig niya. ‘Di ba si father nangatok sa ibang kwarto? Naghiwalay sila, pero at the end of the day, bumalik pa rin siya kay nanay. ‘Yung pangako niya na hindi siya magloloko, ayun, napako,” sabi ni Sarah.
Patuloy niya,”Parang natural po ata na nangyayari ‘yung mga ganyan, na pinangakuan ka, pero hindi natutupad. So ang lesson du’n is kung ikaw sa sarili mo, huwag mong gawin ‘yun na mangangako, kung hindi naman matutupad.”
Kung siya ay pinangakuan pero hindi naman matutupad, paano niya tatanggapin yun?
“Gano’n yata talaga. Pero madali sa aking tanggapin yun, eh. Kasi hindi tayo pwedeng mag-dwell na lang dun sa nakalipas na pangako or kung kelan niya tutuparin.
“You have to move on, and focus sa better future,” aniya pa.
Samantala, sa October 14, 2023 ay tatanggap ng award si Sarah sa The 5th AmerAsia International Awards bilang Most Outstanding Composer, Singer & Actress of the Year 2023. Ito ay gaganapin sa Los Angeles, California.
“Parang ano…parang hello, andito na ako. Alam mo ‘yon? At first hindi ako makapaniwala, pero hanggang ngayon ninanamnam ko pa rin. Talagang pag pinagpala ka, tanggapin mo na lang eh. Pag binigay sa ‘yo ni Lord, hindi mo hiningi pero binigay, thank you Lord talaga.”
Congratulations Sarah!