BI Commissiner Norman Tansingco magle-lecture sa Taiwan kung paano labanan ang human trafficking
Advertisers
NAKATAKDANG magtungo si Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa Taiwan upang magsagawa ng anti-trafficking workshop.
Ang pagtitipon na tinawag na ‘2023 International Workshop on Strategies for Combating Human Trafficking Agenda’ ay hosted ng National Immigration Agency (NIA) ng Taiwan at gagawin sa September 6.
Magsisilbing keynote speaker si Tansingco sa workshop bilang eksperto at pag-uusapan ang mga paraan, schemes at countermeasures laban sa human trafficking.
Dadalo din bilang panelist si immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) Chief Ann Camille Mina.
Ang workshop ay nagsimula noon pang 2009 at taon-taon ginagawa at dinadaluhan ng mga immigration at iba pang law enforcement agencies sa buong bansa.
Maliban kay Tansingco, ang iba pang mga speakers ay mula sa Belgium, Taiwan, Vietnam, United Kingdom, Indonesia, Japan, maging ang mga kinatawan mula sa international organizations.
Dahil sa pagiging bihasa ng BI sa mga hakbang kontra anti-trafficking at bilang miyembro ng inter-agency council against trafficking (IACAT) kung kaya naman ito naanyayahan na lumahok at manguna sa regional at international activities at pag-usapan ang trafficking.
Sa pamamagitan ng pagkilos ng IACAT, ang bansa ay napagkalooban ng pinakamimithing Tier 1 Status ng US State Department’s Trafficking in Persons Report.
Sa ilalim ng Tier 1 status, nangangahulugan na ang bansa ay fully compliant sa minimum standards sa pagtanggal ng lahat ng uri ng trafficking sa tao.
Kabahagi ng Pilipinas sa nasabing rating ang iba pang bansa tulad ng Australia, Canada, France, Singapore, Spain, United Kingdom, at the United States of America. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)