Advertisers
Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na mananagot sa batas ang mga ganid na rice traders na nagpapahirap at gumutom umano sa mga Pilipino.
Ito’y kasunod sa pahayag ng lider ng Kamara na lalo pa na paiigtingin ng mga otoridad ang kampanya laban sa mga rice hoarders at smugglers.
Nagbabala din si Speaker sa mga ito na hindi sila titigilan ng gobyerno hanggat hindi sila napaparusahan.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang babala kasabay ng pagsabi sa mga kinatawan ng Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM) sa isang pagpupulong sa Manila Golf and Country Club na paiigtingin ang kampanya kontra sa hoarder at price manipulator sa buong bansa upang mahuli ang mga mapagsamantalang negosyante.
warehouse ng bigas sa Bulacan na kanilang miyembro ay posible umanong sangkot sa hoarding at smuggling.
Kung totoo aniya na nais ng grupo na tumulong sa gobyerno ay dapat nilang ituro ang kanilang mga kasamahan na pinagsususpetyahan na sangkot sa pananamantala.
Ipinunto ni Speaker, hindi maaaring gawing dahilan ng mga trader ang taas presyo sa world market para mahalan ang benta sa bigas sa bansa dahil maliit na bahagi lamang umano ng suplay ng bigas ng bansa ang galing sa Vietnam.
Sinabi ni Speaker na kanilang kinikilala na dapat kumita ang mga negosyante, subalit hindi makatwiran ang pagiging gahaman sa kita ng ilan sa mga ito.
Kung magpapatuloy umano ito ay mapipilitan ang gobyerno na maghigpit ng regulasyon at muling mag-angkat ng bigas.
Pinasalamatan naman ni Speaker Romualdez ang PRISM sa pagbibigay impormasyon sa sitwasyon ng bigas sa bansa.
“I’m glad that you are here, engaging with us,” sabi ni Romualdez sa miyembro ng PRISM.
Una nang binigyang diin ni Speaker Romualdez na mandato ng Kapulungan na tiyakin na may sapat na suplay at abot kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin ng mga Pilipino.
“The welfare of our constituents remains our top priority, and we pledge to exercise our mandate to safeguard their interests to the fullest,” saad ni Romualdez.
Pero sa pahayag naman ng ilang rice traders,parang naghuhugas- kamay lamang ang administrasyon at nais ibintang sa ibang grupo ang nagaganap na hording, smuggling at manipulasyon sa presyo ng bigas para masolo lang ng iisang cartel ang negosyo.
DIVERSIONARY TACTIC ika nga!
Hay naku!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com