Advertisers

Advertisers

Driver’s license scammers, tutudukan ni Atty. Mendoza

0 123

Advertisers

Nakagagalit at talaga naman nakabubuwisit ang mga taong ayaw pumarehas sa paghanapbuhay – pulos pangloloko na lamang na paraan ang estilo. Tinutukoy natin ay itong mga nagkalat na scammers. Kaya mga kababayan, hindi lang konting pag-iingat ang gawin kung hindi ay doblehin ito.

Heto nga may lumalabas ngayon sa Facebook – nag-aalok ng serbisyo para sa pagkuha ng lisensya para sa pagmamaneho. Aasistehan daw nila ang mga interesadong kumuha ng lisensiya lalo na ang first timer – student permit.

Aba’y maganda iyan lamang, e wala naman pinahihintulutan ang Land Transportation Office (LTO) na ano man pribadong kompanya para gawin ito o gawin nilang negosyo. Ibig sabihin, malinaw na ito ay isang ilegal o mas kilala sa tawag natin na “scammers”. Tama! ISKAMER ang mga ito .



Ano pa man, mabilis naman inaksyonan ng LTO ang estilong bulok na ito hindi lamang para sa ikaaaresto ng mga salarin kung hindi maiwasan may mga mabiktima o madagdagan pa.

Bilang tugon, si Land Transportation Office chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ay nakipag-ugnayna agad sa Philippine National Policed (PNP) para paigtingin ang kampanya laban sa mga online scammer para masakote ang mga nasa likod ng sindikatlo.

Ang hakbangin ni Mendoza ay pagsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na makipagpulong at pagbayuhin ang ang mga hakbang laban sa mga online scammer. Partikular na nakipag-ugnayan si Mendoza sa PNP Anti-Cybercrime Group.

“We will enhance our partnership with the PNP-ACG to catch these scammers who are proliferating online. Talamak online itong mga grupo na nag-aalok ng tulong para mapadali umano ang pakikipag-transaksyon sa LTO gaya ng pagkuha ng student permit, lisensya o pag-renew ng sasakyan. Sa huli, nangloloko lamang sila at pineperahan lamang ang publiko,” wika ni Mendoza.

“Hindi titigil ang LTO at iba pang ahensya ng gobyerno hangga’t hindi nahuhuli ang mga gaya ninyo na nananamantala lamang ng kapwa. We are determined to put you behind bars,” pagdidiin ni Mendoza.



Ang babala ni Mendoza ay bunsod ng paalala ng LTO-Bicol sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga online scammer na nanghihingi ng malaking halaga kapalit ang kanilang serbisyo.

Sa kabilang banda, sinabi rin ng LTO-Bicol na napag-aalaman ng mga biktima na naloko sila ng mga scammer dahil peke ang lisensyang ibinibigay sa kanila na karamihan ay nag-aalok ng kanilang serbisyo sa Facebook.

Hinimok pa ng LTO-Bicol ang mga netizen na ipaalam agad sa kanila ang mga grupo tulad ng ASP Manila upang hindi na mahulog pa sa kanilang patibong ang publiko sa kanilang iligal na transakasyon.

At siyempre, para naman masugpo ang illegal na aktibkidades ng mga iskamer ay kailangan ang tulong ng netizen.

“More than anyone else, kailangan ng mga awtoridad ang tulong ng publiko upang masawata natin itong mga scammers na ito na ginagamit at sinasamantala ang teknolohiya upang makapang-loko ng tao,” wika ni Mendoza.

“Huwag kayong magdalawang-isip na ireport sa LTO o sa pulisya kung may impormasyon kayong alam tungkol sa mga grupong ito,” dagdag pa niya.

Kung susuriin, wala sanang naloloko kung walang nagpapaloko…nakalulungkot ang nangyari sa mga kababayan natin diyan sa Bicol. Nabiktima ng mga ismaker at nawa’y magsisilbing aral ito sa kanila at sa lahat.

Actually, noon pa man…hindi pa computer age ay walang ano man ipilalabas na programa ang LTO hinggil sa pagkuha ng tulong ng pribadong kompanya para umasiste sa pagkuha ng lisensya. Batid naman ng lahat na ang pagkuha ng lisensiya kahit ngayon computer age ay kailangang personal ang pagkuha nito. Personal na pupunta sa LTO ang mga interesado at makakukuha lamang ito ka;pag pumasa sa mga pagsusuri.

Kaya mga kababayan, mag-ingat ha…walang inatasan ang LTO na pribadong klmpanya para sa ;pag-asiste sa ;pagkuha ng lisensya. Huwag na kasing tamarin …at ulit, walang iskamer kung walang nagpapaloko.

Pero ngayon, bilang na ang mga araw niyo kayong mga iskamer. Hindi kayo titigilan ni Mendoza at ng PNP.