Advertisers
HINDI maitatago ang impresyon ng maraming mamamayan sa kabastusan at kapalaluan ni Sara Duterte. Dahil ayaw niyang magpaliwanag kung paano inubos ang P125 milyon sa loob ng 19 na araw noong 2022, may impresyon na ninakaw ang malaking pera. Lehitimong pagnanakaw ang pagkaubos ng confidential fund dahil hindi ito sumasailalim ng anumang auditing at busisi sa ilalim ng batas. Kahit ninakaw, hindi maihabla ang magnanakaw.
Pakapalan ng mukha ang labanan. Hindi naiintindihan ni Sara ang salitang integridad. Wala sa bokabularyo niya ang mga integrity, honesty, at sincerity. Nabubuhay siya sa panggagantso ng kapwa. Kabilang siya sa sindikato ng Inferior Davao. Mababang klase ang kanilang pagkatao, pananalita, kaisipan, at gawain.
***
WALANG silbi ang mga batas ng bansa laban sa ilegal na droga sa gobyerno ni Rodrigo Duterte. Ito ang unang dahilan kung bakit nagsumite noong 2017 ng sakdal na crimes against humanity sina Sonny Trillanes at Gary Alejano ng Samahang Magdalo sa International Criminal Court (ICC). Baog ang mga batas – hindi magamit, hindi pinapansin, at halos walang bisa pagdating sa pagsugpo ng suliranin sa ilegal na droga.
Isa lang ang solusyon ni Duterte sa isyu – patayin ng walang awa ang lahat ng pinaghihinalaang sangkot sa droga. Pusher, adik, runner, at kahit sino pa. Nawalan ng ngipin ang batas kontra ilegal na droga. Tanging ang salita at ilegal na utos ni Duterte ang batas at sinusunod ang kanyang mamamatay tao kahit sa PNP.
Walang magawa ang sambayanan sa isyu ng extrajudicial killings (EJKs). Noong isinumite ni Trillanes at Alejano ang sakdal sa ICC noong dakong Abril, 2017, nasa tuktok ng kapangyarihan si Duterte. Walang makapigil sa kanyang mga maitim na utos. Inutil ang mga hukuman. Kahit ang mga pulis ay sangkot sa walang habas na pamamaslang.
Naisip ni Trillanes at Alejano na dalhin ang usapin sa ICC dahil ito ang paraan upang matigil ang mga patayan. Hindi susulong ang lipunan kapag patayan lang ang nangyayari. Kahit hindi sila tinulungan ng kapwa mambabatas na kabilang sa loob at labas ng oposisyon, sumulong ang sakdal at naging defensive sina Duterte. Natalian sa kamay sina Duterte at nabawasan ang mga EJKs kahit paano bagaman nagpatuloy.
Maalaala na pinagtawanan at kinutya sina Trillanes at Alejano sa kanilang sakdal ng kapwa mambabatas. Walang mangyayari sa sakdal at mauuwi lang iyan sa basurahan, ani Ping Lacson. Suntok iyan sa buwan, sabi ni J.V. Ejercito ang anak ni Erap Estrada. Nilunok ng mga kritiko ang kanilang sinabi dahil sumulong ang sakdal.
Nasa Pre-Trial Chamber ang sakdal at ito ang magpapasya kung itutuloy ang imbestigasyon. Batay sa ulat, mukhang pabor ang ICC sa imbestigasyon dahil ikinatwiran ang paghingi ng mga pamilya ng paliwanag sa pagkamatay ng kaanak. Nais ng mga pamilya na linisin ang kanilang pangalan, anila. Maaaring bumaba ang desisyon ngayong buwan o sa susunod.
Wala sa katwiran si Harry Roque ng kanyang ipagmagaling na hindi susulong ang pormal na imbestigasyon ng ICC sa kaso laban kay Duterte at mga kasapakat. May mga remedyong legal ang gobyerno at ginamit ito, aniya, Kaya hindi totoo ang alegasyon sa sakdal ni Trillanes at Alejano na baging balewala ang sistemang legal at tanging patayan ang ginamit..
Sa ilalim ng Rome Statute, ang tratado na bumubuo sa ICC, sumulong ang mga asunto laban sa mga lider ng isang bansa kung bumagsak na ang sistema ng batas kontra kriminal at walang magawa upang ihabla ang mga taong nasa likod na mga patayan sa bansang iyon. Hindi makikialam ang ICC kung gumagana ang mga batas kontra droga
Pinanindigan nina Trillanes at Alejano sa kanilang sakdal na hindi na gumagana ang mga batas kontra droga at sistemang legal sa bansa. Basta pinapatay ang pinaghihinalaan. Ito ang shortcut na paraan ni Duterte at hindi niya ito ipinagkakaila sa madla. Walang magawa ang mga pamilya kundi lumuha at tanggapin ang pagkamatay ng kanilang kaanak.
Pinaniwalaan ng ICC ang kanilang alegasyon. Isa ito sa mga batayan kung bakit inirekomenda ni Fatou Bensouda, dating hepe ng Office of the Prosecutor ng ICC, ang masusing pormal na pagsisiyasat kay Duterte at mga kasama. Ayon sa Final Report ni Fatou Bensouda, umabot sa pagitan ng 16,000 hanggang 30,000 ang napatay sa mga EJKs.
Iisa ang dahilan ng mga pulis sa mga patayan: “Nanlaban” umano ang mga napatay. Inirekomenda ni Bensouda ang pormal na pagsisiyasat kay Duterte at mga kasapakat na kinabibilangan ni Jose Calida, Richard Gordon, Alan Peter Cayetano, Vitaliano Aguirre, Bato dela Rosa, at iba pa.
Sa kanyang ulat noong Hunyo bago siya nagretiro, sinabi ni Bensouda na imposible na palagi na lang lumalaban ang mga biktika samantalang walang naipakita na mga katibayan ng anumang panlalaban, aniya. Nanlaban kahit nakaposas, aniya.
Sa pag-uumpisa ng pormal na imbestigasyon, inaasahan na pagtutuunan ng pandaigdigang atensyon ang pagsisiyasat dahil may reputasyon si Duterte sa kanyang pagiging mamamatay-tao. Maaaring lumabas ang order ng hukuman na dakpin si Duterte at mga kasama at ikulong sa piitan ng ICC sa The Hague, Netherlands. Maraming pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Abangan at matyagan mabuti ang proseso ng ICC.
***
MAYROON akong isinulat tungkol sa usapin ng Sabah noong 2020. Hanggang ngayon, hindi binibitawan ng Filipinas ang paghahabol sa Sabah/ Atin umano ito at may mga katibayan ang Filipinas na pinanghahawakan. Pakibasa:
THE Sabah issue involves two things: the issue of sovereignty; and the issue of proprietary rights (ownership of Sabah) of the heirs of the Sultanate of Sulu.
On the first issue, the Philippines never has sovereignty over Sabah. It has failed to exercise sovereignty over the North Bornean state. Since its founding days, Malaysia has sovereignty over Sabah. It’s difficult to gain sovereignty over this state.
On the second issue, even Malaysia has acknowledged that the Sultanate of Sulu owns it. Malaysia pays the annual rent to its heirs, which have been multiplying over the years. This is something that could be negotiated and settled. The Philippine government can act as agent of the heirs.
In fact, there is an agreement between the Philippine government and heirs of the Sultanate of Sulu. This is a real estate transaction. The value of this state has to be determined according to current prices.