Advertisers
MAINAM ang pahayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na maaaring busisiin ng sinoman ang pondo nito, upang malaman kung talagang may kaduda-duda rito.
Marami kasi ang pumupuna lalo na ang iba nating mambabatas sa pondo ng NTF-ELCAC, samantalang sila ang nag-papasa nito.
Kaya nga maging si National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año na Co-Vice Chairman ng task force ay nagsasabing “kahit anong oras i-audit, i-inspect ng ating COA (Commission on Audit) o kahit (sinong) third party audit group,” ay maaaring silipin ang pondo ng NTF-ELCAC.
Ang ko kontrobersyal kasi rito, ay yung tinatawag na Barangay Development Program (BFP) kung saan, lalo na noong dating panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay P20 million kada barangay ang nilalapagan nito.
Para saan? Pangka-unlaran ng mga barangay na dati’y kinokopo ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Kapag nalinis na ng mga tropa ng pamahalaan ang malalayong barangay na ito, ay saka naman pumapasok ang NTF-ELCAC para pangalagaan ang mga residente doon.
Binibigyan sila noon ng P20 million noon na mga residente mismo ang nagdedesisyon kung saan dapat gastusin, gaya ng kalsada, solid paaralan o health center etc.
Sa local government unit (LGU) dumadaan ang pondo ng BDP upang sila na Ang mangasiwa ng proyektong nais gugulan ng pondo ng mga residente ng barangay.
Sa madaling sabi, di ito nahahawakan ng mga opisyal ng NTF-ELCAC. Sila lang ay taga-bantay sa agos ng pondo at panggastos nito. Ngayon kung may nasilip pa silang anomalya sa pagitan ng LGU at mga opisyal ng barangay, kaso ang kanilang isasampa laban sa mga ito.
Kaya maling-mali ang paratang ng mga maka-komunistang-teroristang mambabatas na kasali sa tinatawag na Makabayan Bloc sa Kamara, na ang pondo raw ay “pork-barrel” ng task force.
Ako iba ang tingin ko sa paratang na ito ng Makabayan bloc gaya ng Gabriela, ACT at Kabataan partylists na siya naman talagang mga front organizations ng CPP-NPA-NDF. Nais nilang maka-picture sa pondo na ito.
Kasi, kayo ang tanungin ko, saan napunta ang pondo ng Makabayan Bloc? Sagot – ito ang pinangbibili ng CPP-NPA-NDF ng mga armad para labanan ang pamahalaan.
Hindi ba dapat ang sinisilip nating pondo ay pondo ng mga miyembro ng Makabayan Bloc at hindi pondo ng NTF-ELCAC?