Advertisers

Advertisers

Sa mabilis na distribution ng allowance: UdM, pinuri ni Mayor Honey, PLM pinatutukan

0 89

Advertisers

PINURI ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Universidad de Manila (UdM) dahil sa mabilis na naipamahagi ang allowances ng mga estudyante habang pinatututukan ng tanggapan ng alkalde ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa nagaganap na delay sa distribusyon ng mga allowances ng mga mag-aaral sa nasabing pamantasan.

Ginawa ni Lacuna ang komento matapos na may ilang mga residente ang nagtanong kaugnay ng mga delayed allowances ng mga estudyante sa PLM sa katatapos na “Kalinga sa Maynila” na ginanap sa ikatlong distrito ng Maynila.

Pinawi ng lady mayor ang mga pangamba ng mga magulang ng estudyante sa PLM at sinabing kinausap na niya ang pangulo ng PLM na si President Emmanuel Leyco na magbigay ng eksaktong petsa kung kailan maibibigay ang allowances ng mga estudyante.



Matatandaan na dalawang beses ng pinawalang bisa ang appointment ni Leyco ng Civil Service Commission. Kinikwestyon din ng Commission on Higher Education (CHED) ang kawalan ng doctorate degree ni Leyco na isang requirement para makakuha ng Institutional makakuha ng Recognition (IR) ang PLM para makakuha din ito ng government subsidy na nagkakahalaga ng P350 million.

Sa mga magulang na nagtatanong kaugnay ng delayed allowances ng kanilang mga anak sa PLM, sinabi ni Lacuna na: “Magandang katanungan… oo nga.. according po sa Presidente ng PLM, nagve-verify pa din po sila… pero ‘wag po kayo mag-alala dahil mag-uusap kami dahil nanghingi na po kami ng definite na araw kung kelan po nila ilalabas… wala pong problema, ‘yan po ay hindi lang ninyo katanungan, kundi katangunan po yan ng nakararaming may mga anak na nag-aaral sa PLM.”

“Pero ‘wag po kayong mag-alala, nakatutok na po ako doon… oo, kasi ang UdM (Universidad de Manila) tapos na eh, di ba? Oo, mabilis sila,” saad pa ng lady mayor . Ang UdM ay pinamumunuan ni Dr. Felma Carlos-Tria na siyang Presidente nito.

Ang city government ng Maynila ay nagbibigay ng P1,000 monthly allowances sa mga estudyante ng UdM at PLM, P500 naman sa mga Grade 12. Ito ay bahagi ng local government’s special amelioration program (SAP).

Matatandaan na noong December 2020, ay kaiilangan pang manghingi ng pasensya si Mayor Isko Moreno sa mga magulang ng estudyante ng PLM nang magkaroon ng kaguluhan sa distribusyon ng allowance ng mga mag-aaral.



“Sa mga nanay at tatay ng PLM students, ako po ay humihingi ng pasensiya sa inyo. Sa mga PLM students na nanonood, please share this broadcast… pasensiya na kayo, marami sa inyo naghintay nang matagal maghapon at inabot ng halos hatinggabi nung unang araw ng distribusyon.. ako na po ang nahingi ng pasensiya sa inyong kainipan at matagal na paghihintay sa pila sa loob ng PLM,” pahayag ni Moreno noon.

Ang paghingi ng paumanhin ni Moreno ay ginawa matapos na magkagulo sa distribusyon ng city government financial assistance na dinagsa ng mga magulang at estudyante ng PLM noong December 16, 2020. Sinabing dahilan ng pagkakagulo sa distribusyon ay ang pagpalya ng online system ng PLM.
Maging ang mga payout personnel ay ilang oras ng late bago dumating sa nasabing pamantasan.Dahil sa nasabing kaguluhan na nagresulta sa sobrang haba ng pila at kawalan ng physical distancing dahil kasagsagan ito ng pandemya ay napilitang magpunta ng personal si at kinausap si Moreno city treasurer Jasmin Talegon upang manatili ang city cashiers nang mahabang oras para maipamigay ang allowances ng mga estudyante na nakapila na madaling araw pa lang. Nagpahayag din si Moreno nang: “Sa mga nagtampo na PLM students na hirap na hirap, nauunawaan ko kayo. Ipagpaumanhin ninyo.. kung anumang miscommunication.. para wala nang turuan, I take full responsibility.. sa mga naghintay ng pitong oras, pero yan ay di naman nangyari sa UDM at sa iba’t-ibang lugar.”

Binanggit ni Moreno ang ibat-ibang city offices tulad ng Office of the Senior Citizens’ Affairs na dating pinamumunuan ni Marjun Isidro at ang social welfare department sa ilalim ni Re Fugoso na namamahagi din ng financial assistance sa mga beneficiaries nang sabay-sabay sa buong syudad at lahat ng ito ay nagagawang maayos at bukod tanging ang PLM lamang ang magkaroon ng kaguluhan.

Maliban sa mga estudyante ng dalawang city-run university na PLM at UDM, binibigyan din ng monthly allowance ng syudad ang senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at iba pa. (ANDI GARCIA)