Advertisers

Advertisers

Derek mahaba ang pasensiya sa misis na si Ellen

0 124

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

GAME na sumalang muli si Ellen Adarna sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang followers sa kanyang Instagram stories.
Naitanong ng isang faney ng aktres kung ano ang mga katangian ng mister na si Derek Ramsay ang nagustuhan niya.
Pag-uusisa ng nasabing netizen: “What are the qualities of Derek you loved the most?”
Wala namang kiyeme na sinabi ni Ellen na ang pagiging kuwela raw at protective ng aktor ang ilan sa qualities na bet niya sa esposo.
Dagdag pa niya, tulad ng pitbull, mahaba raw ang pisi nito sa kanya na kabaligtaran ng kanyang ugali.
Sey niya: “His sense of humor. He’s funny and he doesn’t know it. He’s very protective of me, his family and his loved ones. He’s my pitbull. If I tell to go for it, he’d go for the… He’s patient with me and I can see that because he’s not patient towards most people. So, yeah. And he’s talkative. I’m the opposite of him. I’m not really talkative. So, he balances me out… And very entertaining.”
Sa nasabing Q and A, naitsika rin niya na ang kanyang pinakamahabang relasyon noong dalaga pa siya ay tumagal lamang ng dalawang taon.
Naging panuntunan na raw kasi niya na mag-aksaya ng oras sa taong feel niya ay hindi “worth” ng kanyang time.
Ang panloloko rin daw ay red flag o senyales para sa kanya para tapusin na ang relasyon.
***
Sey mo Kylie: AJ ipinagluluto si Aljur
VIRAL ang kumalat na video clip na ipinost ni AJ Raval sa kanyang Instagram account.
Sa 15 seconds na reel, makikitang nagluluto ang Vivamax actress sa kusina.
Sa huling bahagi ng video, captured on cam naman si Aljur Abrenica na lumapit kay AJ at masuyo itong niyakap mula sa likuran.
Marami naman ang kinilig sa ganoong klase ng eksena na umani agad ng libong views mula nang ito ay ma-upload.
Sa isang portal kung saan ito naibahagi, nag-react agad ang mga nakapanood nito.
Hirit ng mga kate-katera, mag-asawa na raw ang galawan ng dalawa.
May nang-urot pa na kinakarir na ni AJ ang pagsisilbi kay Aljur dahil sobrang in lababu ito sa nobyo.
May nang-iintriga pa na pinagkukumpara ang pagsisilbi ni AJ kay Aljur sa naging paglilingkod ni Kylie Padilla sa ex nito.
Ito ang ilan sa mga hirit ng kibitzers.
“Ano yarn? Mag-asawa na talaga ang galawan.”
“In fairness, willing na talaga siyang magpaka-misis kay Aljur.”
“Kailanman ay hindi siya magiging misis kasi di pa annulled sina Aljur at Kylie.”
“Anong sey mo, Kylie? AJ, ipinagluto si Aljur.”
“Next.Tikiman na.”
“Sino kaya ang mas masarap magluto, si AJ o si Kylie?”
“Parang eksena lang sa pelikula.”
“Kapampangan dish ang bet ni Aljur.”
“Huli niya ang kiliti ni Aljur. Sana magtagal sila.”
“Sayang niya. Ang aga niyang nalaos dahil kay Machete.”
“Palagay ko, mas masarap magluto si AJ kesa kay Kylie.”
*Sobrang in love si ghurl.”