Advertisers

Advertisers

KMJS nominado sa Asia Contents Awards, may 30M Facebook followers na

0 128

Advertisers

MULI na namang itataas ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang bandera ng Pilipinas sa international scene. Nominado kasi ang KMJS sa 2023 Asia Contents Awards & Global OTT Awards para sa ‘Sugat ng Pangungulila’ story nito sa kategoryang Best Reality and Variety.
Matatandaang ito rin ang kuwentong nag-uwi ng Gold World Medal sa 2023 New York Festivals. Bongga ng KMJS dahil ito lamang ang Philippine nominee sa nasabing category. Kapwa nominado ng KMJS sa kategoryang ito ang mga programa mula sa Korea at Vietnam. Sa Oktubre iaanunsyo ang winners at gaganapin ito sa Busan, Korea.
Online, nananatili ang KMJS na most followed Philippine TV program sa Facebook. Pumalo na nga sa 30 million ang followers ng programa sa nasabing social media platform.
#Dasurv naman talaga ng KMJS ang mga award at milyun-milyon nitong followers. Tuwing Linggo, pinagbubuklod nito ang pamilyang Pilipino para sa mga kuwentong talaga namang very entertaining, inspiring, at educational.
Congratulations sa well-deserved achievements, KMJS!
***
Secret Slaves tinutukan at pinag-usapan
IPINAMALAS ulit ng GMA Public Affairs ang husay sa paggawa ng mga dokumentaryo sa “Secret Slaves: A Jessica Soho Special Report on Human Trafficking” na ipinalabas nitong Linggo, September 10. Bukod sa mataas na ratings ay trending din ito online. Isa nga ito sa top trending topics sa X nitong Sunday.
Ayon nga sa viewers at netizens, talagang eye-opener ang dokumentaryong ito sa iba’t ibang kuwento ng pang-aalipin at pang-aabusong nangyayari sa likod ng madilim na mundo ng human trafficking, cybersex, pati na rin illegal organ trade. Dahil sa komprehensibong report, makikita na talagang maraming alarming na nangyayari sa mga kapwa natin Pilipino na nakakubli lamang dahil hindi pinapansin ng nakararami. Talagang dapat ding palakpakan sina Jessica Soho, Emil Sumangil, at John Consulta at ang buong team sa likod ng docu special sa kanilang effort at tapang na subukang ma-rescue ang mga biktima. Ganito ang klase ng reporting na kailangan sa panahon ngayon — naglalahad ng katotohanan habang umaaksyon.
Kudos GMA Public Affairs at sa lahat ng bumubuo ng Secret Slaves sa isang napapanahon at makabuluhang special report!
***
“Maging Sino Ka Man,” trending!
TINUTUKAN ng sambayanan ang pagbabalik-primetime ng phenomenal love team nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco sa “Maging Sino Ka Man.”
Usap-usapan sa social media ang pilot episode ng serye kagabi, September 11! Trending sa Twitter ang #MSKMWorldPremiere, #MagingSinoKaManGMA, #BarbieForteza, at #DavidLicauco.
Komento pa ng ilang netizens sa GMA Drama Facebook page, “Deserved! Congratulations! Sobrang ganda ng pagsisimula parang sine! Magaling ang buong cast especially BarDa. Unexpected ang acting ng action king na si David! Pang-Best Actress talaga si Barbie! Salamat sa pagpapasaya at pagpapakilig worldwide!”
Simula pa lang ‘yan ng action adventures at romantic moments ng BarDa! Subaybayan ang special limited series na “Maging Sino Ka Man,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8PM sa GMA Telebabad at 9:40PM sa GTV.