Advertisers
Ni BETH GELENA
IBINAHAGI ni Toni Fowler ang larawan nila ng kanyang boyfriend na si Vince Flores.
Ang caption ni Fowler, “Jowa kong gandang ganda sakin pag simple lang ako.”
Kinilig ang followers ni Toni sa picture nila ng boyfriend.
Sang-ayon naman ang netizens sa caption ng famous vlogger/influencer.
“Mas maganda ka po lalo na at simple.”
“Yess tama ang pretty po talaga mommy.”
“Gandaaaa mo po mommy oni always naka support po sayooo!”
“Ang cute UNG gantong relasyon Sana all hehe.”
***
PDA NI ALJUR KAY AJ KINWESTYON NG NETIZENS
PINAG-uusapan ng netizens ang halikan video nina Aljur Abrenica at AJ Raval na naka-upload sa TikTok.
Sa video ay hinalikan ng actor si AJ sa harap ng live audience.
Ang relasyon ng dalawa ay isa sa most controversial relationships sa entertainment industry.
Hindi pa man sila umaamin noon sy ang dami nang namba-bash sa kanila dahil may asawa na ang actor, si Kylie Padilla na anak ng Senador-actor na si Robin Padilla.
At mas lalo silang na-bash nang kinumpirma na nila ang relasyon kung saan natsismis pang nabuntis umano ang sexy star.
Kahit marami ang bumabatikos sa kanilang relasyon, very open sila sa kanilang nararamdaman sa isa’t isa.
Sa halikan video ng controversial couple ay kumakanta si Aljur habang holding hands sila ni AJ nang biglang humarap si Aljur kay AJ at bigla iyong hinalikan sa labi na na-capture nang may hawak na celfon na pinost ng TikToker na si #Racrac Hermano.
Syempre pa ang dami na namang komento para sa controversial couple na karamihan ay negatibo.
Anila: “naku, kung ako si Kylie, kakasuhan ko yang si Aljur. Hindi pa sila annulled kung makapagpakita ng affection kay AJ ay talagang isinasapubliko na.”
“Financial stability ang importante, not ang kiss.”
“In lab na in lab”
“Kylie be like, been there done that. Lol”
“Ang liit ng face ni AJ oo nga mukha syang Japan anime na babae”
“Bakit dami pa din fans nito. Ganyan sya kay kylie before.”
“Legal ba itong pda nila? Kasal pa siya, Di ba?
***
SABI ni Sanya Lopez, siya ay isang dalagang NBSB (No Boyfriend Since Birth).
Kaya naman ito ang naging topic nila ni Giselle Sanchez sa isang panayam.
Tinanong ang Kapuso aktres kung in a relationship na ba siya?
Aniya, hindi raw siya nagpo-focus sa love life.
“To be honest, Ate Giselle, I’m not looking for a boyfriend because I am swamped doing fiestas, corporate shows, and endorsements while waiting for my upcoming project on GMA-7, which we will announce as soon as we start taping.”
Eh, makulit na interviewer ang komedyanteng aktres kaya sinabi ni Sanya na mas prefer niya ang showbiz boyfriend dahil maiintindihan daw nito ang kanyang work.
Gusto rin daw niya na
Filipino ang maging boyfriend pero mestizo and she prefers lean over bulky.
Mas attracted din daw siya sa tall guys.
Hanap din daw niya ay sincerity at loyalty.
Pero pagdidiin ni Sanya, “Again, this is just a game, okay. I want to prioritize my career, and if God gives me extra time, I want to finish my medical technology college degree. My goal is to finish college,” wika pa ng Kapuso aktres.