Advertisers
NAGPAKAWALA muli ng walang basehan na paratang itong mga nais matawag na tagapag-tanggol raw ng mga karapatan pangtao, na ang dalawang kabataan babae na mag-aaral sa kolehiyo at naiuulat na nawawala, ay kagagawan daw National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Parang ‘matic’ para sa kanila na kung mayroong ganitong mga kaganapan, dapat ang ituro ay ang NTF-ELCAC.
Ganito ang i-style ng grupong Karapatan, upang maiiwas nila mismo ang kanilang grupo sa mga pagkakataon gaya nito.
Kaya naman, hinamon agad sila ni National Security Council Assistant Director-General,Jonathan Malaya, namumuno rin sa StratCom Cluster ng NTF ELCAC.
Maglabas daw ng ebidensiya ang Karapatan ‘yun matibay ha’, kung mayroon sila, at isumite nila sa Department of Justice para gumulong agad ang preliminary investigation.
O kaya’ bakit di hayaan ng grupong Kahunghangan, Karapatan pala, na hayaan nitong ang Philippine National Police at ang Criminal Investigation and Detection Group na mag-imbestiga sa kasong ito, at hindi agad-agad silang nagtuturo ng kung sino-sino, na wala man lang silang matibay na ebidensiyang inilalabas sa kanilang pagpuputak.
Eh yun ngang mismong pamunuan ng NTF-ELCAC ang inilabas na pahayag ay ang kanilang kalungkutan sa pangyayari nang malaman nilang nawawala ang dalawang batang environmentalists na sina Jonila Castro at Jhed Tamano sa Orion, Bataan.
By the way, kaalyado ng Karapatan ang dalawang binibining ito na nabibilang bilang mga coordinator ng environmental group na Akap Ka Manila Bay.
Kabisado ko na ang ganitong mga pag-uulat at pagbibintang, bandang huli matatagpuan at malaman ng PNP ang mga nawawala ay sumanib na pala sa komunistang-teroristang samahang CPP-NPA-NDF, na kasali rin ang grupong Kahunghangan, ay! Karapatan pala.