Advertisers
Posibleng hinayang na hinayang ang Lakers na pinabayaan nilang makawala si Dennis Schroder sa kanila ngayong off-season.
Sa ganda ng nilaro ni Dennis sa FIBA World Cup ay nabitbit niya ang Germany sa titulo. Dahil diyan tinanghal pa siyang MVP.
Mas binigyan kasi nila ng prayoridad ang renewal ni D’Angelo Russell at ang pagbingwit kay Gabe Vincent sa Miami.
Hayun nadagit si Schroder ng Toronto. Sa halagang mas mababa sa dalawang ka -puwestong nabanggit ni DS sa Los Angeles ay pinapirma siya ng Raptors.
May 2 year na $26M ang German sa Canadian City. Sa kabilang banda si Russell may $37M na dalawng taon at si Vincent may $33M na tatlo. Yung kay Gabe mas mababa nga ng $2M/taon pero mas matagal naman.
Siguro naliitan sila sa may jersey #17 na 6’1 lang nguni’t pesky na guard at mahusay mag set ng tempo ng game sa inakala nilang mga mas importante. Pwede rin higit na explosive na scorer mga nabanggit.
Kaso wala sila sa ekspertong pagtitimon ng World Cup most valuable player. Alam din kailan titira sa labas o papasok sa loob.
Sayang to the max eka ng mga tagahanga ng team ni LeBron James.
Sabi nga ni Aling Barang ay parang higit na bagay sa kanya ang apelyido ng kakamping si Isaac Bonga.
***
Inamin ng FIBA na hindi nila napuno ang MOA at Big Dome dahil sa mataas na presyo ng mga ticket.
Puno naman daw ang general admission at upper box. Ganoon din sa ibaba. Ang problema ang lower box section. Ang laki kasi ng diperensya.
P500 -1000 sa itaas tapos libo-libo na agad sa bandang gitna.
Baka binatay nila sa ibang bansa na di hamak mas malaki kita ng mga tao. Yung halaga sa ringside at courtside ay katumbas na ng kalahating buwang sahod na ng minimum wage earner sa atin.
Isa pa ay hindi umabot sa Round 2 ang Pinas kaya talagang bawas talaga sa live audience. Oo kahit pa sabihing basketball-crazy nation tayo.
May mga unauthorized ding live streaming sa Facebook at ibang social media.
Gayon din hindi gaano kakilala ibang mga team. Wala rin nga sina Giannis Antetokounmpo ng Greece, Victor Wembanyama ng France, Jamal Murray ng Canada at Nikola Jokic ng Serbia na mga crowd-drawer na tunay.
Yan ang lessons learned na inamin.
***
Sabi ni Pepeng Kirat dapat nagsama ng promising coach mula sa amateur sa Gilas Pilipinas noong World Cup at maging sa Asian Games. Yung magaling at may pruweba na. Hindi yung kamag-anak o kaibigan lang. Sa gayon may dinedevelop din tayong mga may potensyal pati sa coaching staff.
Nandiyan naman sina Charles Tiu ng St Benilde, Bonnie Tan ng Letran at Northport at Goldwyn Monteverde ng UP.
Palakasan system na naman ang umiral eh.Ano ba yan, SBP!