Advertisers

Advertisers

COMELEC TOO GOOD TO BE TRUE

0 191

Advertisers

Ibinasura ng Commission on Elections ang hirit ng maraming barangay officials na gamitin ang ilang bahagi ng kanilang pondo ng barangay ngayong buwan hanggang Oktubre.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na maraming punong barangay sa bansa ang sumulat sa kanilang opisina.

Gagamitin aniya nila ang pondo sa ilang proyekto at social services.



Naniniwala si Garcia na maaring gamitin ng mga nanunungkulan sa barangay ang nasabing proyekto para sa kanilang pangangampanya sa nalalapit na halalan.

Tila sobrang higpit ng Comelec ngayong darating na Barangay at SK elections.

Ito ang gustong palabasin ni Comelec Chairman Garcia pero isa itong malaking katarantaduhan at kasinungalingan.

Iba ang press releases ng Comelec kumpara sa aktuwal na sitwasyon “on the ground”.

Halos mahilo na ang mga tauhan ng mga Kupitan este Kapitan pala sa pagpapapirma sa mga bahay- bahay para sa kung anu- anong klase ng ayuda na magmumula sa lokal na pamahalaan.



Pamilya ng mga rehistradong botante lamang ang pinapapirma ng mga tao ni Kapitan.

Kung di kayo botante,nganga kayo at di kasali!

Ibig sabihin,isang diskarte ng malinaw na vote-buying.

Ang masaklap, pagbata si Kupitan este Kapitan ng nakaupong meyor,llamado na sina Kupitan.

Kapag suportado ka talaga ng alkalde mo, anything goes!

Pati pondo ni meyor ay masaganang aagos bukod pa sa harapang endorsement sa mga botante.

Ika nga sa kasabihang Ingles…”you scratch my back,I will scratch yours”!

Sa 2025 local elections na lang maniningil ang mga alkalde ng pautang sa kanilang mga susuportahang Kupitan este Kapitan pala.

Mga kumpare at kumareng putik ng mga meyors ang mga tatakbo.

In short,they are bound to protect their own personal interest at diyan inutil ang Comelec.

Puro pagpapapogi na lang sa media ang alam ng opisina ni Chairman Garcia.

They want to expose the “obvious” pero yung talamak na dayaan at gulangan sa aktuwal na halalan ay wala silang planong pigilan.

Mas maraming kuda ang Comelec kesa sa mga repormang dapat isagawa.

Hay naku…saan na nga ba papunta ang bayan natin nito?

Hangga’t mas malakas ang boses ng “LIMANG DAAN” kesa sa tuwid na daan,magpapatuloy ang bulok na sistema sa pamahalaan.

Mananatiling mga ulalong kamote ang ating mga elected public servants.

Hangga’t nakakapangyari ang matinding kahirapan dito sa ating bansa, mananatiling

” FOR SALE” for the highest bidders ang sagrado sanang boto ng mga mamamayan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com