Advertisers

Advertisers

HIMAGSIKAN SA PAMAHALAAN

0 188

Advertisers

ANGELES CITY – May batayan ang iginigiit na ang himagsikan sa gobyerno ay nangyayari sa mga local government units (LGUs). Hindi sa Ehekutibo at Hudikatura. Mas lalong hindi sa Kongreso. Hindi nararamdaman ang galing at talino sa Ehekutibo, Hudikatura, at Kongreso. Walang itinatagong galing ang mga mambabatas (kongresista at senador), kalihim, mahistrado, at iba pang opisyales ng gobyerno. Iba ang kanilang galing at alam na ninyo iyan.

Mapalad ang mga lalawigan, bayan, at siyudad na mayroong inihalal na mga local official na ang halagain (value) sa pamumuno ay matino, masikap, at hangarin na paunlarin ang kanilang sakop. Hindi lahat ng opisyal ay ganoon ang pakay. Ngunit dahil maraming matinong local official ang naihalal sa mga nakalipas na eleksyon, mag pag-asa at kaliwanagan na tinatahak ng bansa ang landas tungo sa kaunlaran.

Noong Martes, dumalo kami sa pulong balitaan ng Kapampangan in Media, Inc. (KAMI), isang samahan ng mga mamamahayag kung saan panauhin si Susan Yap, ang gobernadora ng Tarlac. Nasa pangatlong termino si Yap bilang gobernadora. Una siyang nahalal na gobernadora noong 2016 at muling nahalal noong 2019 at 2022. Bago siya pumalaot sa local politics, kinatawan ng Tarlac si Yap sa Kongreso ng dalawang termino (2010-2016). Siya ang pumalit sa kanyang ama na si Jose “Apeng” Yap.



Iniulat ni Yap mayroon mga proyekto na inaasahan pabibilisin ang kaunlaran ng Tarlac. Nariyan ang North-South Commuter Railway, mas kilala bilang Clark-Calamba Railway, ang halos P900 milyon na 147-kilometro railway system na mag-uumpisa sa New Clark City sa Capas, Tarlac at dadaan sa Clark International Airport. Mayroon itong 36 estasyon na babagtas sa Pampanga, Bulacan, Metro Manila, at magtatapos sa Calamba sa Laguna. Inaasahan niya ang pag-unlad ng negosyo at kabuhayan ng mga nasasakupan dahil sa makabagong tren na nagdudugtong sa Tarlac sa ibang lalawigan. Matatapos ito sa 2028.

Tuloy-tuloy ang development ng New Clark City, isang komunidad sa loob ng Clark Special Economic Zone sa bayan ng Bamban at Capas, ayon sa gobernadora. Aabot sa 9,450 ektarya ang sukat ng komunidad at maaaring maging tahanan ito ng 1.2 milyon katao. Pinamamahalaan ito ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang New Clark City. Ayon kay Yap, may mga ilang real estate developer ang may plano na lumahok sa pagpapatayo ng komunidad.

Inuulat ni Yap na naitayo ang National Academy of Sports sa New Clark City at tumanggap na ito ng mga mag-aaral na athleta para sa binuksang school year. Tumanggap na ito ng mga mag-aaral para sa walong programa: aquatics, athletics; badminton; gymnastics; judo; table tennis; taekwondo; at weightlifting. Layunin ng paaralan na makakalap ng mga atleta na maaaring maging panlaban ng bansa mga paligsahan s buong mundo.

Naging mainit ang talakayan ng gobernadora at mga mamamahayag ang tungkol sa TALA, ang unang high-powered hybrid rocket na ginawa sa Filipinas. Inilunsad ito noong ika-20 ng Mayo sa Crow Valley Gunnery Range, Capas, Tarlac. Ipinahayag ng mga mamamahayag na hindi sila natuwa sa kakulangan ng publisidad nag natatanging kaganapan. Ito ang unang matagumpay na rocket launch sa bansa dahil muli itong nakabalik at kasalukyang inaalisa ng mga eksperto ang mga datos na nakuha sa paglulunsad.

Inilunsad ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Space Agency, isang bagong sangay ng gobyerno na ang pangunahing gawain ay sa larangan ng rocket. Sa amin, hindi nagkaroong ng publisidad ang mga ganitong paglulunsad dahil hindi rin sigurado ang mga maglulunsad kung magtatagumpay ito. Kahit sa Estados Unidos, hindi sigurado ang mga rocket scientist kung tagumpay ang alinman sa kanilang inilunsad ng rocket sa kalawakan.



Nagpahayag si Yap na hindi siya nangangamba na uminit sobra ang paglago ng Tarlac. May sapat na imprastraktura upang tumugon ang lalawigan sa mabilis na paglago. Tuloy-tuloy ang paglago kahit nagbiro kami ng lalago ang probinsiya kahit walang confidential fund. Napangiti ang gobernadora.

***

NAGKABUHOL-buhol ang paliwanag ni Sara Duterte tungkol sa hinihingi ng OVP na P500 milyon na confidential fund. Noong una, sinabi niya sa Senado na kailangan ang pondo upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral ng pagkain, mga proyekto sa tree planting, at kahit pagpapalibing ng mga patay. Nang supalpalin siya at ipamukha sa kanya ng harapan ni Senadora Risa Hontiveros na hindi trabaho ng OVP ang mga ganitong proyekto at mayroong sangay na pamahalaan na ito ang trabaho, biglang natahimik ang bastos na si Sara.

Ipinamukha sa kanya ng maraming netizen na hindi sila natutuwa sa paliwanag ni Sara. Sa kanila, nanakawin ni Sara ang salapi ng bayan. Hindi sa mga proyekto pupunta ang confidential fund. Muling nagtaray ang spoiled brat na anak ni Gongdi. Sinabi niya na gagamitin ang halaga upang hanapin at habulin ang koneksyon umano ng Makabayan Bloc sa kanya sa NPA. Mukhang desidido siyang maghanap ng karayom sa dayami. Pinagtawanan si Sara.

Sa isang opisyal na pahayag sinabi ni Risa: “Hindi ko hinihingi ang respeto mo, VP Sara. Ang hinihingi ko sa iyo, at ng taumbayan, ay accountability. Kaya, i-account nyo na lang kung para saan ang hinihingi nyong confidential funds. Kung hindi mo kayang irespeto ang mga katrabaho mo, irespeto mo man lang sana ang paggasta ng pera ng bayan. Higit isang linggo na simula nang nag-hearing tungkol sa confidential funds, pero mas marami ka pang patutsada kaysa sa paliwanag.” Malinaw na talo sa banggaan si Sara. Kulang siya sa dunong upang tapatan si Risa.

***

STATEMENT OF Commodore Jay Tarriela, spokesman of the Philippine Coast Guard on the West Philippine Sea:

“I wholeheartedly stand by the Commandant and the 30,000 courageous men and women of the Philippine Coast Guard, who are dedicated to fulfilling our patriotic duty in the West Philippine Sea. We will continue to serve and protect our Exclusive Economic Zone, irrespective of any external assistance. It is disheartening to hear doubts cast on our capabilities to carry out this duty without the support of other external actors.

“However, it is important to remember that our President has already made it clear that we will work with all countries to establish a rules-based international order. The disputes in the South China Sea should not be framed solely as a competition between powerful nations, as this denies us our independence and disregards our legitimate interests.

“The Filipino people can rest assured that the PCG is resolute in our commitment to safeguarding our Exclusive Economic Zone. Despite any limitations we may encounter, we are unwavering in our determination to patrol and protect our waters with the assets available to us. Your PCG will remain steadfast in our duty to serve our flag and our people!

“Dahil sa West Philippine Sea ang yaman nito ay para sa Pilipino!”