Advertisers
NAHARANG ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibidwal nang makuhanan ng P13 million halaga ng iligal na droga.
Isinagawa ng ahensya ang kanilang interdiction operation sa Macapagal Boulevard, Pasay City.
Ayon kay National Capital Region (NCR) Regional Director Rommel Vallejo, may nagpaabot ng impormasyon sa kanilang hanay na mayroong magaganap na malakihang transaksyon ng iligal na droga sangkot ang Chinese nationals.
Paliwanag ni Vallejo, ilang araw nilang minanmanan ang subject.
Kaagad na hinarang ng mga operatiba ang taxi sakay ang umano’y courier ng mga drug syndicate.
Bumulaga sa kanila ang isang malaking kahon na may lamang tape dispenser kungsaan nakasiksik ang mga droga.
Itinatanggi naman ng taxi driver na kilala niya ang kanyang mga naging pasahero, iginiit na wala siyang kinalaman sa insidente.
Samantala, nasa pangangalaga na ngayon ng NBI ang dalawang suspek.