Advertisers

Advertisers

PH football, rowing teams biyaheng Asian Games

0 161

Advertisers

AALIS ang national teams ng women’s football at rowing patungong Hangzhou,China Sabado, Setyembre 16, para sa 19th Asian Games na nakatakda sa susunod na Linggo

Ang dalawang pangkat ang maging unang PH crew na darating sa China na ang kanilang kumpetisyon ay naka iskedyol ilang araw bago ang opisyal opening ng quadrennial event sa Setyembre 23.

Ang football hostilities ay magsisimula sa Martes,Setyembre 19, habang ang rowing kumpetisyon ay sa Miyerkules, Setyembre 20,.



Ang Asiad-bound Filipinas ay binobou ng atleta na sumabak sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa New Zealand nakaraang Hulyo kabilang si Tahnai Annis, , Sarina Bolden, Sara Eggesvik, Olivia McDaniel, Quinley Quezada at Hali Long.

Kasama rin sa lineup sina Alicia Barker, Reina Bonta, Jessika Cowart, Malea Cesar, Isabella Flanigan, Kiara Fontanilla, Carleigh Frilles, Sofia Harrison, Maya Alcantara, Eva Madarang, Chandler McDaniel, Inna Palacios, Dominique Randle, Jaclyn sawicki at Meryll Serrano.

Samantala, Tokyo Olympian Cris Nievarez pamumunuan ang rowing team na bibobou nina Joanie Delgaco, Edgar Ilas, Zuriel Sumintac, Feiza Lenton at Tammy Sha.

Ang una at huling nagwagi ang bansa ng Asiad medal ay noong 2002 Busan edition sa South Korea kaloob ni Alvin Amposta at Nestor Cordova, na nasungkit ang lightweight double sculls bonze medal.

Ang 23=year-old Nievarez ay sasabak sa men’s single sculls, habang si Delgado ay makipagaway sa women’s single sculls.