Advertisers
Hinggil sa taas presyo ng mga bilihin partikular na ang presyo sa bigas ay tatlong ordinansang aasiste sa mga manininda ng bigas ang inilunsad ng MARIKINA CITY GOVERNMENT para sa kanilang nasasakupang mga lugar.
Sa isinagawang pagharap ng MARIKINA CITY GOVERNMENT OFFICIALS sa pangunguna ni MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO sa mga manininda ng bigas sa kanilang lungsod nitong nakaraang Huwebes (September 14, 2023) ay nilagdaan ang ORDINANCE GRANTING RELIEF ON RENTAL PAYMENTS TO RICE RETAILERS na nakapuwesto sa MARIKINA PUBLIC MARKET; ORDINNCE GRANTING RELIEF ON BUSINESS TAX PAYMENT TO RICE RETAILERS; at ang ORDINANCE GRANTING CASH ASSISTANCE TO RICE RETAILERS.
Sa mga manininda ng bigas na nakapuwesto o nangungupahan ng puwesto sa MARIKINA PUBLIC MARKET ay ililibre o hindi pagbabayrin ng upa ang mga ito para sa buwan ngayong September at October, 2023.
Ang mga manininda ng bigas sa naturang lungsod na lubhang naapektuhan sa ipinatutupad na PRICE CAP ay malilibre sa pagbabayad ng BUSINESS TAX sa kanilang GRIOSS SALES para sa 3rd at 4th quarter ngayong taon.., na ang mga kabilang dito ay ang mga nakapuwesto sa mga palengke gayundin ang mga sarisari store na nagtitinda ng mga bigas..; subalit, ang mga supermarket at convenience store ay hindi sakop nitong business tax exemptions.
Ang ikatlong ordinansa ay ang pagbibigay ng P5,000 CASH ASSISTANCE ng MARIKINA CITY GOVERNMENT sa mga eligible rice retailer sa kanilang lungsod.
Bukod sa asiste ng MARIKINA CITY GOVERNMENT ay nagkaroon din ng P15,000 FINANCIAL ASSISTANCE sa mga eligible rice retailer ang DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD).
Ilan sa mga manininda ng bigas ang nagsaad kay MAYOR MARCY na ang dapat takdaan ng PRICE CEILINGS ay ang mga RICE DEALER at hindi ang mga nagtitinda ng bigas na pakilo-kilo lamang.
Malaki ang punto ng mga manininda na ang dàpat takdaan sa limitasyon ng presyo ay ang.mga RICE DEALER.., dahil kung mataas ang presyo ng DEALERS ay kailangan namang magpatong ng presyo ang mga manininda para pambawi sa kanilang puhunan.
Bilang pagtulong pa sa mga manininda ng bigas ay nagpahayag si MAYOR MARCY na personal siyang makikipag-usap sa mga RICE DEALER para sa posibilidaf na mapababa ang presyo sa bentahan ng mga bigas!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.