Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
AS a theater group, institusyon nang masasabi ang multi-awarded Philippine Stagers Foundation na itinayo ng FAMAS at PMPC best actor na si Atty. Vince Tanada noong 2002.
Nag-evolve na ang nasabing theater group dahil nag-branch out na rin ito sa film production kung saan nakagawa na ito ng hindi malilimutang mga obra tulad ng “Katips” at “Ako si Ninoy.”
Ngayong taon, pumasok na rin ang Palanca award winning playwright, lawyer at award-winning director na si Vince sa pagma-manage ng talent via his “Vince Tanada Artist Management.”
Kumpara sa ibang talent management, hindi lang daw good looks kundi talent ng maipagmamalaki ng kanyang roster of talents.
Isa pa rin daw sa bentahe ng mga ito ay ang pagiging versatile artists ng mga ito na pinanday ng disiplina ng teatro.
“We are capitalizing not on their names but on their talents. Triple treat sila. They can sing. They can dance. They can act,” bungad niya.
Naisip daw niya na magtayo ng talent management para mabigyan ng pagkakataon ang mga ito hindi lang sa kanyang mga proyekto kundi ng marami pang oportunidad sa labas.
“Siguro, I try to build up kasi I’m also into directing and producing. I also get the services of a talent coordinator para kumuha ng talent. Pero naisip ko, ba’t pa ako kukuha ng talent coordinator? Sa experience ko, hirap na hirap kasi akong kumuha ng talent kasi alam mo naman, hindi ganoon ka-talented iyong iba. I have my own talents na ang gagaling, pero di ko kinukuha dahil nasa teatro sila. Sabi ko, why not these talents. I might be quite late but nothing is quite late naman in this business. Actually, dependable sila in giving and delivering what the director wants. So, that prompted me to create this talent management,” paliwanag niya.
Paglilinaw pa niya, higit sa pagkakakitaan ang kanyang mga talents, mas nananaig daw sa kanya ang pagnanais na mabigyan ng oportunidad ang mga ito to shine on their own merits.
“Actually, I don’t need this anymore because this is not my bread and butter. Ang dami na nilang nakukuhang trabaho. Ang gusto ko lang, mabigyan sila ng maraming pagkakataon,” lahad niya.
Bilang manager, wala raw naman siyang ipinagbabawal sa kanyang mga talent.
Katunayan, iyong iba raw ay kinukuha na ng iba’t ibang produksyon tulad ng Cignal at maging ng Vivamax para sa serye at pelikula.
Pagdating naman sa mga actor niya, hindi rin daw big deal sa kanilang mga aral sa teatro ang paghuhubad, pagpapa-seksi at maging ang pagpro-frontal nudity.
Naniniwala kasi siya sa kalayaan sa anumang medium ng sining mapa-teatro man o pelikula as long na kailangan ito sa konteksto ng isang obra.
May talents din daw naman siyang mga menor de edad pa kaya bilang ama ay alam niya kung paano pangangalagaan ang mga ito.
Dagdag pa niya, dahil tagapagtaguyod din siya ng pantay-pantay na oportunidad, his stable of talents also consists of drag queens and even members of the LGBTQA+ community.
Ilan sa mga talents ni Direk Vince sina Donita Nose, Wacky Kiray, Johnrey Rivas, OJ Arci, Adelle Ibarrientos, Chris Lim, JP Lopez at marami pang iba.
Sa Philstagers din ni Vince nahasa nang husto ang mga talento nina Jerome Ponce, Vance Llarena at iba pa.
Meanwhile, bilang pa-buwena mano ng kanyang VTAM, unang handog ng Philstagers ang musical na “Hero Z” tampok sa kanyang talents na magsisimula nang mapanood sa iba’t ibang theatrical venues sa bansa mula Oktubre 1, 2023 hanggang Setyembre sa susunod na taon.