Advertisers

Advertisers

LAHAT AY SUMUSUPORTA SA CBCP

0 64

Advertisers

BIGYAN daan ko lang ang pahayag ng Regional Task Force 6 to End Local Communist Armed Conflict sa pakikipag-isa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa NTF-ELCAC.

Sa pamamagitan ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, taga-pagsalita ng RTF6-ELCAC ‘solid’ nilang sinusuportahan ang galaw ng CBCP.

Ang RTF6-ELCAC nga raw at lahat ng mamamayan sa Western Visayas ay nasa likuran ng CBCP upang tulungan ang mga paring katoliko sa hangarin nitong makamtam ng lahat ng mga Filipino ang matagal ng kapayapaang inaasam para sa bansa.



Sa pahayag ng RTF6-ELCAC ang kanilang pag-suporta ay gaya rin ng hangarin ng CBCP na makiisa sa NTF-ELCAC dahil nirerespeto ang bawat isa, dahil na rin sa mensahe ng Ebanghelyo sa kapayapaan, hustisya, at pag-aaruga sa mga inaapi at mahihirap nating mga kababayan.

Ang mga turo at pinaniniwalaang prinsipyo ng Simbahang Katolika na pagka-pantay-pantay ay isinusulong din ng NTF-ELCAC sa pagbibigay nito ng serbisyo publiko at tamang pamamahala na may mga programa para sa mga mahihirap sa pamamagitan ng Barangay Development Program upang mailapit ang pamahalaan sa mga kapwa nating Filipino sa mga kanayunan.

Ang BDP ng NTF-ELCAC ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng pamahalaan at mga komunidad na dating pinamumugaran ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Ang pakikibahagi ng CBCP sa NTF-ELCAC, sa isang banda, ay magsisilbi namang paraan para magka-isa ang lahat para kapayapaan, hustisya at pag-galang ng lahat sa batas, sa mata ng Diyos at tao.

Ang kapayapaan daw na ito, ay di lamang hangarin ng Simbahan at ng NTF-ELCAC, kung di ng lahat ng Filipino.



“Mabuhay ang CBCP!
Mabuhay ang nagkakaisang sambayanang Pilipino,” ang isinisigaw ng RTF6-ELCAC.

Sana kayo ay ganun din.