Advertisers
PINANGUNAHAN ng mga opisyal at miyembro ng dalawang employees’ group ng Bureau of Immigration (BI) ang medical and dental mission para sa residente ng Maynila noong September 2.
Ang nasabing outreach program ay inorganisa ng Buklod ng mga Kawani ng CID at the BI Multi-purpose cooperative, at ginawa sa Lungsod ng Maynila.
Ang mga tumanggap ng mga kailangang medical assistance ay pawang mga seniors, adults at mga bata mula sa mga barangay sa Intramuros.
Ang isinagawang misyon ay sa suporta at kooperasyon ng Manila District 301-A3, Manila Action Lions Club, Manila Achievers Lions Club, Manila Young Achievers Lions Club, at Manila Young Entrepreneurs Lions Club.
Ang Buklod ng mga Kawani ng CID at BI Multi-purpose cooperative ay dalawang major employees’ groups sa BI, kung saan ang mga miyembro ay nakatalaga sa iba’t-ibang tanggapan ng ahensya sa buong bansa.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng maraming tao kabilang na ang mahigit 400 na mahihirap na residente ng Barangays 654, 655, 657 at 658 na pawang mga nagsitanggap ng tulong medikal at dental.
Ang nasabing gawain ay bahagi ng selebrasyon ng ika-83 taong anibersaryo ng ng BI na ginawa noong September 8 sa punong tanggapan sa Intramuros, Manila. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)