Advertisers

Advertisers

BUDGET NG PRESIDENTIAL COMMUNICATION OFFICE (PCO) LUSOT NA SA SENATE SUB-COMMITEE ON FINANCE

0 55

Advertisers

Lusot na sa senate sub-committee on finance ang panukalang pondo ng presidentail communications office (PCO) para sa susunod na taon.

Sa naging pagdinig na pinamunuan ni senate committee on finance vice chairman senador JV Ejercito, muling binigyang diin ni PCO Secretary Cheloy Garafil na ang pagsugpo sa fake news ag isa sa mga prayoridad ng ahensya.

Katunayan, gumawa na ang ahensya ng specific program para sa dito – ang media information literacy campaign.



Nagkaroon rin survey ang ahensya, kung saan lumalabas na siyam sa bawat sampung pilipino ang vulnerable sa fake news.

At base rin sa pag aaral ay ang mga kabataan ang pinaka vulnerable o apektado ng maling impormasyon.

Kaugnay nito, makikipagtulungan na ang PCO sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD, Deped, CHED, DICT at DILG para ma-empower ang mga kabataan kontra fake news.

Layon ng PCO sa programang ito na matulungan ang mga kabataan na sila na mismo ang makatukoy kung ano ang fake news o hindi.

Dinagdag rin ni garafil na mayroon na silang partnership sa mga top social media platforms, gaya ng X (twitter), facebook, tiktokat google.



Isinusulong aniya ng ahensya ang mas positive collaboration sa mga social media platforms na ito kaysa sa pagba-ban ng mga ito.