Advertisers

Advertisers

Aiko nanawagan sa Senado na ipasa na ang Eddie Garcia bill

0 23

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, isang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga manggagawa at/o mga independent contractors sa industriya ng pelikula, telebisyon, at radyo.
Binigyang-puri ng beteranong aktor-na-ngayo’y pulitiko ang liderato ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa mabilis na pagpasa ng panukala sa House of Representatives. Ang House Bill No. 1270 ay naipasa noong Pebrero na may kabuuang 240 boto.
Subalit sa loob ng pitong buwan matapos itong maipasa sa mababang kapulungan, hindi pa rin ito naipapasa ng Senado.
Ang iminungkahing batas ay pinamagatang “Eddie Garcia” bilang pagkilala sa sikat na aktor na namatay noong Hunyo 2019 dahil sa aksidente habang nagte-taping para sa teleserye sa isang istasyon ng telebisyon.
Ayon kay Melendez, ipinakita ng kamatayan ni Garcia ang pangangailangan para sa isang ligtas na lugar ng pagtatrabaho para sa mga manggagawa sa entertainment industry.
Idinagdag pa niya na marami sa mga manggagawa sa entertainment industry ay independent na aktor, aktres, at performers at mga freelancers, na walang katiyakan ang sweldo at benepisyo.
Sa kanyang pahayag, nanawagan si Melendez sa kanyang mga kapwa artista na ngayon ay nagsilbing mga senador na masiguro ang pagpasa ng panukalang batas na ito sa pinakamabilis na panahon. Kasama dito sina Senator Lito Lapid, Senator Robin Padilla, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Bong Revilla.
“Bilang isang aktres, naranasan at nasaksihan ko mismo ang mga hamon at panganib sa aming industriya. Ako ay nananawagan sa aming mga kasamahan sa Senado na bigyan ng seryosong pansin ang panukalang batas na ito. Ang kaligtasan at karapatan ng manggagawa sa entertainment industry ay dapat maging prayoridad,” pagtatapos ni Melendez.
Kabilang sa mga author ng “Eddie Garcia” bill sa senado sina Lapid, Estrada at Padilla samantalang may naghain din ng panukalang Media Workers’ Welfare Act sina Senator Bong Go, Senator Raffy Tulfo, at Senator Legarda.
***
NET25 STAR CENTER ARTISTS INILUNSAD NA
IPINAKILALA na sa entertainment press kamakailan ang 31 talents ng Star Center ng NET25 na ang head ay ang aktor/direktor na si Eric Quizon.
“Kaya naitayo ‘yung Star Center is because, apart from building homegrown talents, meron kasing mga shows na gagawin na youth-oriented. So, we were thinking na since mahirap manghiram ng mga artista, so it’s better na merong sariling talents,”sabi ni Eric kung bakit itinatag ang Star Center.
Maipagmamalaki ni Eric na salang-sala ang mga pinili nilang talents, na pawang talented ang mga ito.
“Hindi naman namin sila kukunin kung walang potential, because they went to auditions. Saka hindi lang isang audition ‘yun, callbacks, may proseso talaga. Hindi yung, ‘Uy, okay ‘to! Tanggap na ‘to.’ No. May dinaanan talagang proseso.”
Exclusive ang mga kabataan sa Star Center, pero hindi aniya exclusive artists ng NET25. Kaya pwedeng lumabas sa ibang network ang mga ito.
Kung may offer nga raw na makakasama ng mga ito ang mga artistang gaya nina Coco Martin, Dingdong Dantes at Marian Rivera, ay bakit naman hindi nila papayagan.
“We allow them to work outside, because we want them to grow. Kasi kung magbibigay kami ng exclusivity, tapos wala naman kaming maibibigay din.
“However, may plano naman talaga kami gumawa ng shows para sa mga bata. Pero ang ano ko talaga, it’s better na they’ll grow better kung lalabas sila.”
Aniya pa, kung may offer nga raw na makakasama ng mga ito ang mga artistang gaya nina Coco Martin, Dingdong Dantes at Marian Rivera ay bakit hindi nila papayagan.
Among their talents, may bubuuing loveteams ang Star Center.
“Kung sino sa kanila yung sa tingin namin ay bagay na magka-loveteam, sila ang gagawin naming loveteam,”
Ang mga talents ng Star Center ay sina Shira Tweg, Dana Davids, Yvan Castro, Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, Ornella Brianna, Shanicka Arganda, Via Lorica, Zach Francisco, Tim Figueroa, Victoria Wood, Myuki de Leon, Juan Atienza, John Heindrick, Marco Ramos, Gia Gonzales, Jam Aquino, Crissie Mathay, Gera Suarez, Celyn David, Arwen Cruz, Mischka Mathay, Patrick Roxas at Bo Bautista.